Dahil sa hirap ng buhay ay maging ang mga menor de edad ay napipilitang mag-banat ng buto upang makatulong sa kanilang pamilya.
Madalas sa mga batang katulad nila ay makikitang namamalimos sa gitna ng kalsada kahit na tirik ang araw o malakas ang ulan.
Kaya naman hindi maiwasan ng ilan sa atin na maawa at magbigay ng tulong sa tuwing makakakita tayo ng mga batang humihingi ng limos.
Samantala, viral ngayon sa social media ang larawan ng isang batang lalaking nagtitinda ng sampaguita habang bitbit ang kanyng pamangkin.
Ayon sa Facebook ng netizen na si Jesmar Deocampo Oftanan, nakasabay raw niya sa jeep ang dalawang bata habang siya ay pauwi galing trabaho.
Kinausap niya ang bata at nag-abot din ng konting tulong.
Kwento niya, naglalako ang batang si Rain ng sampaguita upang may maipambili ng gatas para sa kanyang 7 month old na pamangkin.
Ipambibili rin daw niya ng gamot ang kikitain sa pagbebenta dahil nakagat rin ng aso ang bata.
Kaya nananawagan si Jesmar na matulungan ang dalawang bata dahil awang awa siya sa mga ito.
“Ramdam ko po yung awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko na po yang litrato nila sa may fishermall sa Quezon city.”
Narito ang kanyang buong post:
“Nakasabay ko po sya sa jeep, habang ako ay pauwi galing sa pinapasukan ko. Hindi ko na sya gaano nakausap. Maliit lang na halaga ang nkayanan kng ibigay kasi yun lang kaya ng pera ko. Nag lalako po sya ng sampaguita para may pang bili ng gatas ng pamangkin. 7months old lang po yang baby na bit2 nya at pang pagamot nya. Dahil kinagat sya ng aso. Hindi ko narin napicturan ang sugat nya. Ramdam ko po yung awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko na po yang litrato nila sa may fishermall sa Quezon city. Sakto din po kasi pinalipat ako ng jeepny driver kasi wala ng pasahero. Byaheng pro2.3.”
***