Ginang sa Bulacan, ibinahagi ang lihim kung bakit pang dekada otsenta ang kanyang hairstyle. - The Daily Sentry


Ginang sa Bulacan, ibinahagi ang lihim kung bakit pang dekada otsenta ang kanyang hairstyle.



Sa isang istorya na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Isang misteryo ang natuklasan nang makapanayam nila ang 43 taong gulang na si Maria Luz Guanzon o mas kilalang bilang si Malou.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit taong 2022 na ay may kalumaan o pang 80's pa rin ang hairdo ni Malou.




Karamihan din naman sa kanilang lugar sa Hagonoy, Bulacan ay sinasabing bagay sa kanya ang ayos ng buhok at blooming raw itong tignan.

Pero lingid sa kaalaman ng iilan ay may nakatagong sikreto sa istilo ng buhok nito.

Matapang na inamin at ipinakita ni Malou sa programa ang kaniyang kondisyon. Isang malaking bukol kasi ang nagkukubli sa ilalim ng magarang buhok nito.

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook


Nakakapangamba ang bigat nito na umabot na sa mahigit 3 kilo.

Hirap na itong kumilos at hindi na kayang bumangon mag isa. Ultimo raw pagsuot ng sariling underwear ay nangangailangan na siya ng tulong.

Nagsimula daw ito nang siya'y mauntog at matapos itong magpatingin sa ospital ay nagtuloy tuloy na ang paglaki nito.

Dahil sa kondisyon ni Malou ay iniwan na siya ng kaniyang asawa at naging single mom.

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook


Bagamat walang kaagapay sa pagpapalaki ng mga anak dagdag pa ang bukol sa kanyang ulo ay pilit na itinataguyod ni Malou ang kanyang 8 anak na siya rin namang nagpapalakas ng loob niya at laging nagpapa alala sa kanya na huwag mawawalan ng pag asa.

Dahil batikan sa mga patimpalak sana'y sa pag-aayos at pagpapaganda si Malou. Katulong nito palagi ang anak na si Banjo sa pag susuklay at pag aayos ng kanyang buhok.

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook

Francis Angelo Ryan Capili, Ryan dela Rosa, Ma Lou | Facebook


Dalawang taon na nang huli itong nagpatingin sa doktor kaya naman minabuti ng programa na ipasuri ang kanyang kalagayan sa PGH o Philippine General Hospital.

Nais ng mga espesyalista na masuri ng personal si Malou kaya inaanyayahan itong pumunta sa ospital sa oras na payagan na ito ng pagkakataon.

Nag-abot ng tulong pinansyal ang programa at sinorpresa naman siya ng kanyang mga anak para sa isang pictorial bilang pasasalamat na rin ng mga ito sa mga sakripisyo ng ina.

Masayang masaya naman ang ginang sa mga pangyayari, lalo na ang pagkakataon na makapag display ng bago niyang litrato sa kanilang dingding para maging inspirasyon.

"Para po sa akin, ito yung bagong ako! 'Yung mga struggle ko, 'yung mga pinaghirapan ko, 'yung lahat ng mga pagsubok ko. Masasalamin doon sa bago kong larawan ngayon" Ani Malou.

Patuloy naman sa pag likom ng mga karagdagang tulong ang pamilya ni Malou bilang paghahanda sa susunod na pagpapasuri nito.