Isang customer ang nanigaw, nanduro at pinagsabihan ng masasakit ang isang crew ng Mang Inasal - The Daily Sentry


Isang customer ang nanigaw, nanduro at pinagsabihan ng masasakit ang isang crew ng Mang Inasal



 

Larawan mula kay Carlo

Kamakailan lamang ay nag-trending ang isang Grab food rider matapos siyang pagbuntungan ng galit ng kanyang customer dahil wala itong barya para panukli sa lalaking customer. 

Ayon kasi sa kwento, dahil lang umano walang panukli si kuya na Grab rider ay sinaktan na siya ng isang lalaki na tila hindi nito makontrol ang kanyang emosyon.

Sinigawan, dinuro-duro at inambahan pa ng suntok ng lalaki si kuyang grab rider na tila galit na galit ito.

Narito ang video sa ibaba:


Tila hindi naman yata tama na gawin ito ng lalaki sa isang taong naghahanap buhay ng maayos at dahil lamang sa wala itong panukli.

Hindi pa nga natatapos ang isyung ito ay mayroon nanamang isang panibagong trending sa social media na kung saan ay nauugnay nanaman dito ang isang customer na nanigaw ng isang crew ng isang sikat sa fast food chain na Mang Inasal.
Larawan mula kay Carlo
Dahil sa ipinakitang maling asal ng customer ay agad nanamang umalingasaw sa social media ang pangyayaring ito.
Larawan mula kay Carlo
Makikita sa video na sinisigawan, dinuro-duro at pinagsabihan ng masasakit na salita ng customer ang kawawang crew ng Mang Inasal.
Larawan mula kay Carlo
Marami na ang nakapanuod ng video at talaga namang nangangalaiti sila sa inasal ng customer na ito.
Maging umano ang guard ng nasabing kainan ay hindi rin nakaligtas at sinabihan din ng nagmamagaling na customer na ito.

Panoorin ang video sa ibaba:


***