Lalaking may titulo na pinakapangit sa mundo, ginulat ang lahat ng pakasalan ang ikatlong asawa - The Daily Sentry


Lalaking may titulo na pinakapangit sa mundo, ginulat ang lahat ng pakasalan ang ikatlong asawa



 



Ayon nga sa kilalang kasabihan, hindi mahalaga ang hitsura o anyo ng isang tao hangga’t mayroon silang mabuting kalooban. Gayunpaman, aminin na natin na mas marami pa rin ang nais makatagpo ng kapareha na kung di man guwapo at iyong maipagmamalaki mo ang pisikal na hitsura.


Ikaw, paano mo ba ilalarawan ang lalaking iyong pangarap?



Ang sabi naman ng iba, mas okay na humanap ka ng lalaking pangit para wala kang kaagaw at tiyak na ikaw lang ang mamahalin niya. Ito rin ang madalas na sinasabi ng mga babaeng nasaktan na dahil nag mahal ng lalaking gwapo.


Ngunit hindi pala laging totoo ang mindset na ito, dahil may isang lalaki sa bansang Uganda na kilala bilang ang pinakapangit na lalaki ngunit mayroon na siyang tatlong asawa!


Ang 47-anyos na lalaki mula sa Uganda na nagngangalang Godfrey Baguma na kilala rin bilang Ssesabi, ay nanalo sa world's ugliest man competition. Taong 2002 nang makuha niya ang nasabing titulo.


Ayon sa mga ulat, sumali si Godfrey sa nasabing kompetisyon dahil alam niyang malaki ang maitutulong ng premyo na makukuha para sa kanyang pamilya. At siya nga ang nanalo at nakapag uwi ng premyo.*




Hindi lang ang titulo at premyo ang nasungkit ni Godfrey kundi pati ang puso ng marami. Napatunayan ng kwento ni Godfrey na ang mga gwapo lang o may hitsura ang maaaring makaranas ng pag-ibig at kasal.



Si Baguma na tinatawag bilang "Ssesabi" na nangangahulugang pinakamasama sa pinakamasama, ay nang gulat ng maraming tao nang mag viral ang mga larawan na kuha sa kanyang ikatlong kasal.


Makulay at masaya ang naging ikatlong kasal ni Godfrey sa kanyang ikatlong asawa.


Nanatiling misteryo ang mga detalye kung kailan at saan ginanap ang seremonya ngunit isang bagay ang sigurado, masayang masaya ang bagong kasal base sa kanilang mga larawan.


Bago ikasal sa ikatlong babae si Godfrey ay naging asawa niya ang ang 30-anyos na babae na nagngangalang Kate Namanda at mayroon siyang limang anak dito at dalawang anak naman sa unang asawa. *




Napag alaman na iniwan ni Godfrey ang kanyang unang asawa matapos niyang mahuli ang panloloko nito sa kanya.


Si Godfrey ay dumadanas ng isang pambihirang kondisyon sa kalusugan na siyang naging sanhi ng pagka deform ng kanyang mukha.


Ayon sa isang medikal na eksperto, pagkatapos ng isang MRI scan, nalaman nila na siya ay dumaranas ng isang pambihirang kondisyon na tinatawag na fibro dysplasia, isang sakit na nakakaapekto sa paglaki at paglalagay ng mga cell at tissue ng katawan.



“As a result of the abnormal shape of his head, part of his brain was under pressure. His posture also put pressure on his chest which made it difficult for him to breathe,” ayon kay Dr. Wilson


Kahit ganito ang kanyang kalagayan, hindi hinayaan ni Godfrey na hadlangan ng kanyang anyo ang kanyang kaligayahan at pag abot sa kanyang mga pangarap.




Ngayon ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kanyang ikatlong asawa. Maliban dito, nakilala rin si Godfrey ng publiko bilang entertainer, komedyante at mang-aawit.