Sa isang nakakagimbal na pangyayari, ang online seller na si Lerms Lulu, na kilalang distributor ng Brilliant Skin, ay gumawa ng isang cryptic post noong Oktubre 2, 2024.
Ang post na ito ay naging pangunahing paksa ng usapan sa mga social media, lalo na nang dalawang araw makalipas ay siya at ang kanyang asawa ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang assailants.
Ang post ni Lerms ay isang repost mula sa mensahe ni Chinkee Tan tungkol sa mga utang. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin na ang mga tao na marunong magbayad ng kanilang mga utang ay may mas mataas na tsansa na magtagumpay sa buhay. Sa kabaligtaran, ang mga hindi marunong magbayad ng utang ay hindi kailanman magiging matagumpay.
Ang kanyang post ay tila may malalim na kahulugan, lalo na sa kanyang mga tagasunod na nagtanong kung may kaugnayan ito sa kanyang sinapit. Sa kabila ng kanyang mga positibong mensahe tungkol sa tagumpay at responsibilidad, hindi inaasahan ng marami ang trahedyang sumalubong sa kanya at sa kanyang asawa.
Narito ang buong post ni Lerms Lulu:
MARUNONG MAGBAYAD NG UTANG = MATAAS ANG CHANCE MAGING SUCCESSFUL
HINDI MARUNONG MAGBAYAD NG UTANG = HINDI MAGIGING SUCCESSFUL!!!
Allow me to elaborate these big statements.
Ang hindi pagbabayad o pagbabayad ng utang will define your personality as an entrepreneur or a business person. Actually, it will define anong klaseng tao ka, anong pananaw mo sa buhay, at mkaka'apekto ito sa pagnenegosyo o kahit anong aspetong pinansyal sa buhay mo.
Others call it Karma, Others call it God’s Blessing or Judgement, others call it Universe’s Power to align things, Others call it Law of attraction. Whatever differences we have in faith or perspective in life, what we all can agree is that the concept is the same. That there are consequences to your actions. Let me explain more about pagbabayad ng utang.
Ang personalities at attitude ng mga hindi marunong magbayad ng utang:
1.) Hindi sila resourceful - laging kulang ang kita, kaya walang maibayad sayo, laging kapos, pero imbis na humanap ng ibang source of income, umuutang na lang kung kani'kanino. Hindi nila masosolve ang ugat ng problema. Band-aid solution ang ginagawa.
2.) Hindi nila priority ang pagbayad - Minsan may pera naman na sila na pwede ibayad sayo. Pero hindi nila pinapahalagahan yung tulong na naibigay mo, kaya okay lang sa kanila na basta² e'delay ang pangako ng pagbabayad.
3.) Walang disiplina sa sarili - Kahit na pwede naman na ibayad sa'yo yung pera..dahil may SALE sa mall..o gusto ng bagong gadget.. hindi ka muna babayaran. Hindi nila madisiplina ang sarili.
4.) Mapagpanggap - Dahil gusto nila mg'mukhang sosyal..kelangan nila mangutang ng mangutang kahit walang pambayad.. pra lang maitaguyod ang fake image.
5.) Walang Word of Honor - sa kanila.. hindi importante ang pangako.. hindi trustworthy. Mabulaklak na pangako lang para mapautang mo.. tapos deadmabels kna.
On the contrary, True Successful People are:
1. Resourceful
2. Knows how to sort out priorities
3. Financially Disciplined
4. Truthful and Frugal
5. Values Promises and are Trustworthy
How you handle your utang reflects your overall attitude towards money and your finance.
Hindi nyo man pansin..pero malaking factor and effect ito kung ikaw ay ng'nenegosyo, or nagba-budget.
I have experienced it first hand. I have seen it with my relatives too. But it made a HUGE difference when I started looking at Utangs with a new perspective. Malaking bagay ang nabago when I prioritized my obligations. Pag nabago ang mindset mo regarding this, I guarantee you, you will establish an abundant mindset, and results will follow sooner.
Up to now, marami akong nakikita na tao na ayaw magbayad ng utang. Lumaki ng lumaki lang. 🙂 Hindi na makabayad, kahit na ang daming magandang opportunities na dumaan. Yung kumita na ng milyon tapos naglaho, hindi pa rin nabayaran yung 5K na utang. It really speaks a lot and proves na sa mindset ang problema. There is no such thing as laging minamalas.. talaga lang siguro hindi m'handle ng maayos dahil may mali sa mentality, dba?
So, I highly suggest, kung may utang ka, unti-untiin mo na bayaran. Baka yan ang dahilan bakit hindi mo maabot ang true success na inaasam mo.
-Chinkee Tan