Pagliligtas ng pulis sa isang babaeng tatalon sa tulay, kuha sa video; Mga netizens todo puri - The Daily Sentry


Pagliligtas ng pulis sa isang babaeng tatalon sa tulay, kuha sa video; Mga netizens todo puri



Hindi lingid sa ating lahat ang pangit na imahe ng kapulisan. Ilang dekada na ang lumilipas ngunit marami parin tayong naririnig o nababalitaang mga tiwaling pulis.
Photo credit to the owner

Maging sa mga pelikula o palabas sa telebisyon ay madalas ginagawa silang kontrabida  dahil may ilan sa kanila ang nagbigay ng masamang imahe ng mga pulis.

Ngunit hindi lahat ng pulis ay masama. Marami parin sa kanila ang may mabuting puso at tapat sa kanilang tungkulin. 

Ito ang pinatunayan ng dalawang pulis mula sa Trece Martires, Cavite City.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Viral ngayon sa social media at umabot na sa halos 3M views ang video ng isang pulis na tumakbo sa gitna ng highway papunta sa isang tulay upang pigilan ang pagtalon ng isang babae.

Makikita ang mabilis na pagtakbo ng pulis sa gitna ng highway kahit na maraming sasakyan ang dumaraan upang masagip ang babaeng tatalon sa tulay.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang isang pulis naman ay sinubukang patigilin ang mga sasakyan sa pag-andar.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PSSg Aljernol Puspos at PCpl Alvin Nepomuceno mula sa bayan ng Trece Martires, Cavite City.

Umani ng maraming papuri at paghanga mula sa mga netizens ang ginawa ng magigiting na mga pulis.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Yan ang totoo gumaganap sa serbisyon saludo sa mga pulis na talaga nagtatrabaho at nagpoprotekta sa mga mamamayan,” sabi ni Vincit Omnia Verites.

The way he ran fast forwards the woman who’s about to jump… He’ll be like: No, Ma’am, Not in my watch!” Kudos to you Sir. Salute,” sabi naman ni Andrea Dawn Joaquin Cruz.

Hindi lahat ng police masama maraming police din ang mabubuti ang puso salute to you sir,” sabi naman ni Ferlene Buenvanida Echano.

Sa gitna ng masamang imahe ng mga pulis na ating nakikita ngayon sa social media, hindi pa rin maikakaila na mas marami ang mabubuti at handang gampanan ang kanilang tungkulin.

Sa ngayon ay mayroon ng 80k reactions, 38k shares at 3M views ang nasabing video.

Panoorin ang viral video sa ibaba:


***