Xian, nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang mangga na pinitasan ni Lolo Narding - The Daily Sentry


Xian, nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang mangga na pinitasan ni Lolo Narding



 

Larawan mula sa Google

Kumalat sa mundo ng social media ang nangyari sa isang pobreng matanda na kung saan ay hinuli at ikinulong ito matapos kasuhan dahil umano sa pagnanakaw sa bunga ng Mangga na ayon sa matanda ay kanya naman daw itong itinanim.

Ang 80-anyos na matanda ay nakilala sa pangalang Lolo Narding Floro, na tubong Asingan Pangasinan.
Maluha-luha ang 80-anyos na lolo na si Lolo Narding Floro na nakakulong sa Asingan Police Station dahil sa kasong pagnanakaw ng Mangga. 
Larawan mula sa Philippine News
"Impaburas ko maysa poon ti mangga awan pay 10 kilos, ti ammok sakop mi. Idi inaladan dan sinakop da met, mula mi met dadiay sir, idi nangalad da sinakop da." 
Larawan mula sa Philippine News
Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…”)

Paliwanag ni Lolo Narding, nais niya umanong makipagkasundo sa nagkaso sa kanya ngunit ayaw raw nila pumayag at pinapabayad pa ng anim na libo ang napitas na mangga ng pobreng matanda.

"Ti kayat ko kuma ke areglo kuman sir, dadiay met batet met nga banag. Idi ited ko iti bayad na di na kayat nga awaten, ti imbaga na bayadak kano ti sais mil." dagdag ni lolo Floro.
Larawan mula sa Philippine News
(Ang gusto ko sana makipagsundo,  maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…) 

Dahil sa nangyari kay Lolo Narding, marami ang naawa sa kalagayan ng matanda.

Isa na dito ang sikat na personalidad sa social media na si Xian Gaza, ayon sa kanya handa umano siyang tulungan at matanda at pagbabayarin niya ang taong nasa likod ng pagpapahuli sa matanda. 
Larawan mula sa Philippine News

Larawan mula sa Philippine News
“Doon sa taong nagsampa ng kaso kay Lolo Narding nang dahil lamang sa iilang mangga na kanyang pinitas, hahanapin kita. Kumapit ka na. Ipapakilala kita sa buong Pilipinas.” dagdag pa nito.

“Attorney, kapag walang nagpiyansa diyan bukas... ako na lang magpapalaya..ikaw na bahala mag-asikaso. You the drill. Thanks."ayon pa kay Xian.

Sa bagong update ni Xian tungkol sa isyu na ito, sinabi niya na nais niyang bilhin ang lupang kinatitirikan ng puno ng mangga upang matapos na ang problema ni Lolo Narding.
Larawan mula sa Philippine News

Larawan mula sa Philippine News
“sino ba may-ari ng lupa na yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Ilang ektarya ba yan? Naka-SPA ka ba? Magkano per sqm? 100 pesos? 150?” ayon kay Xian.

“Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan,” dagdag pa nito.

***