Driver, nag-alok ng libreng sakay bilang pagdiriwang matapos pumasa sa Criminology Licensure Exam - The Daily Sentry


Driver, nag-alok ng libreng sakay bilang pagdiriwang matapos pumasa sa Criminology Licensure Exam




Marami ang mga humanga at pinapurihan ng mga netizen ang ginawa ng isang Angkas driver na nag-alok ng libreng sakay sa kanyang mga pasahero. 


Dito idinaan ni Mark Anthony Combate ang kanyang pasasalamat sa hindi maitagong tuwa at saya matapos siyang mapabilang sa mga pumasa sa katatapos lang na Criminology Licensure Exam. 


Hindi parin siya makakapaniwala na nagbunga na lahat ng kanyang pagsusunog ng kilay sa umaga sa pagrereview bilang paghahanda sa kanyang board exam at patuloy na nagbabanat naman ng buto sa pagbiyahe sa gabi upang kumita.


Aniya pa, sa tuwing may mga dumadating na biyaya sa kanya ay hindi niya nakakalimutang ibahagi ito sa iba. 





“Pag may dumating na blessing po sa buhay, dapat po i-share din sa iba."


Ayun sa nag-upload ng post na si Mark Ryan Correa, pinahanga siya ng kapwa niya driver na nagawang pagsabayin ang pagtupad ng pangarap nito sa paghahanapbuhay.  


“Nag-offer pala siya ng libreng sakay sa mga pasahero dahil nakapasa sya [sa] criminology board exam po,"


Kaya lalo pa siyang ginanahan magpursige para sa darating niyang board exam at planong gawin ang parehong aksyon ni Combate bilang pasasalamat kung siya ma'y papalarin ding makapasa. 


“Kasi may incoming licensure exam for teachers po ako. At ‘pag ako din po ang nakapasa, gagayahin ko po [ang] kasamahan ko po. Mas ginanahan pa po ako ngayon,"






Tunay ngang nakakamangha at inspirasyon ang hindi matawarang pagpupursige at determinsayon ng mga kababayan natin nagsusumikap upang maabot ang tagumpay na pinapangarap. 


***

Source:  Be An INQ

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!