Lalaking nagpa-sikat ng linyang "Wala na! Finish na!" Nakalaya na at nagbalik loob na sa panginoon. - The Daily Sentry


Lalaking nagpa-sikat ng linyang "Wala na! Finish na!" Nakalaya na at nagbalik loob na sa panginoon.



Nagbabalik sa social media ang lalaking nagpasikat noon ng linyang "Wala na! Finish na! Si Bethoven Delmar Jr. ay muling nagvi-viral sa social media ngayon dahil sa pagbabalik loob nito sa panginoon.

Matatandaang sumikat noon si Delmar nang makapanayam siya ng News5 at mula noon ay tumatak na sa marami ang kanyang binitawang kataga.




Nahuli noong taong 2015 ng mga awtoridad sa Cubao si Delmar dahil sa tangkang panloloob nito sa isang bahay dahil binalak umano na pagsamantalahan ang isang babae.

Proud na proud pang inamin ng noo'y 25 taong gulang na sa tuwing siya ay nakakainom at nalalasing ay talagang libangan niya ang pagsasamantala sa mga kababaihan.

“Swerte pa ‘ko kasi hindi pa si Duterte ‘yung nakaupo. E kung si Duterte, wala na, finish na,"

Garry B. Gonzales | Facebook

Bethoven Delmar Jr.


Mula noon ay naging viral at paboritong gawing meme ang litrato ni Delmar sa social media.

At ngayon nga ay muli siyang nagbabalik. Ngunit sa pagkakataong ito ay malaki na ang pinagbago ni Delmar.

Ang dating kinamumuhian ay umaani na ng maraming papuri ngayon mula rin mismo sa mga netizens dahil sa desisyon nitong magbagong buhay at magbalik loob sa panginoon.

Bethoven Delmar Jr.


Garry B. Gonzales | Facebook


Sa Facebook post ni Garry B. Gonzales, ibinahagi nito na bumisita kamakailan sa kanilang simbahan na Bethany Triumph Baptist Church sa Bagong Silang, Caloocan si Bethoven Delmar Jr.

Ipinakita rin ng di umano'y pastor ang larawan nilang dalawa ni Delmar katuwang ang mga katagang, "Praise the Lord he accepted Christ as his personal Lord and Savior...Praying for his growth and baptism soon."


Garry B. Gonzales | Facebook