Naulilang nobya, isinuot ang kanya sanang wedding gown sa huling lamay ng nobyo nito. - The Daily Sentry


Naulilang nobya, isinuot ang kanya sanang wedding gown sa huling lamay ng nobyo nito.



Tuwing may kasalan ay hindi nawawala ang sumpaang "'till death, do us part" pero hindi nagpadaig ang isang nobyang ito nang isuot ang kaniyang traje de boda sa huling araw ng burol ng kaniyang nobyo.

Nagmistula tuloy na araw ng kanyang kasal ang huling lamay ng yumaong si Francis Valenton.




Nagbihis na parang bride ang kanyang nobyang si Alma upang hanggang sa huli ay makapagbigay ito ng kaligayahan nasaan man ngayon ang nobyong si Francis.

Bago pa man daw ito pumanaw ay mangilan ngilang beses ding nabanggit ng nobyo ang pagnanais nitong maikasal sila ni Alma para mapatunayan nito ang wagas na pag-ibig sa nobya.

"May mga ganun siyang salita na, inopen niya yung about sa kasal na.."

Paulan Valenton | Facebook

Paulan Valenton | Facebook


"Baby, sabi niya, kung tayo man 'yung ikakasal, ang gusto ko lang yung simple kahit hindi bongga. Basta masabi ko lang din na akin ka. Tapos wala, wala na 'kong ibang ipapalit sa'yo like, ikaw lang 'yung gusto ko"

Ang tungkol sa balak na pag-papakasal ay naikwento na rin daw ni Francis sa kanyang mga kaanak at kaibigan.

Sa huling araw ng burol nito, nasorpresa si Alma nang tanungin siya ng ate ni Francis kung gusto niyang magsuot ng dress.

Paulan Valenton | Facebook

Paulan Valenton | Facebook


Inakala pa nga nito nung una ay isang simpleng dress lang ang susuotin. 'Yun pala, isa itong wedding gown na matagal ng naka preapara at hinihintay lang ang hudyat ni Francis kung kailan sila ikakasal ni Alma.

Dala-dala ang magkahalong lungkot at saya sa pakiramdam ni Alma, buong pagmamalaki nitong isnuot ang kaniyang traje de boda.

Sa paraang ito, batid daw niyang naibigay at kahit papano'y natupad nila ang kahilingan ng kaniyang minamahal.


Paulan Valenton | Facebook

Angelica Alma Mariano Santos | Facebook


Source: GMA News