Para hindi masayang ang bayad at setup, si daddy ang pumalit sa pictorial ng tinopak na anak. - The Daily Sentry


Para hindi masayang ang bayad at setup, si daddy ang pumalit sa pictorial ng tinopak na anak.



Kinagiliwan at pinusuan ng mga netizens ang mga larawang ibinahagi ng Faces Portraits sa Facebook nang makita ang ginawa ng isang daddy na ito sa isang pictorial.

Game na game kasi na nag-posing sa camera si Daddy Napoleon para hindi masayang ang photo shoot na inihanda para sa kanyang anak.




Isang photo shoot kasi ang inihanda ng mommy at daddy ni Baby Ellie, para sana sa nalalapit na binyag nito. Ngunit wala daw sa mood noong araw na iyon ang cute na cute na baby.

Kahit ano'ng subok daw noon nila daddy Napoleon Soriano at kanyang wife na si mommy Fae para mapangiti at mabago ang mood ni baby Ellie ay hindi raw ito umubra.

Faces Portraits | Facebook

Faces Portraits | Facebook


"Kesa masayang 'yung pera, tabi mo, anak, ako na," ang nasabi umano ng ama.

Faces Portraits | Facebook

Faces Portraits | Facebook

Faces Portraits | Facebook


At para nga daw hindi masayang ang bayad sa setup at pictorial ay nag-costume na rin si Daddy Nap at nagpa-picture ng mga solo shots para lang masulit ito.

Sabi sa post ng Faces Portraits sa kanilang Facebook page:

"Share ko lang.... Kahit ano effort ng Family para mapaganda ung Pictorial (dress, costume, photographer, location , setup styling etc. ) ..."

Faces Portraits | Facebook

Faces Portraits | Facebook


"kung talagang wala sa mood si baby ay wala tayo magagawa TRIP ni baby yan (smile emoticon) pero napabilib ako ng daddy Hindi nya sinayang ung setup (smile emoticon)"

Bukod nga sa marami ang naaliw sa ginawa ni daddy ay marami rin ang naka-relate na mga netizens.

Sabi pa sa komento ng ilang netizens, "Sa ganyang edad, Moody pa po kc mga baby. Cute ni daddy."

"yung kahit naka 300 pic kana. tapos iilan lang maayos na kuha sabayan kapa,ma ayaw kona magpic,tas nakasimangot na"

Faces Portraits | Facebook

Faces Portraits | Facebook