Isang 80-anyos na magsasaka mula sa Leyte nanalo ng P142.6-Milyon sa Lotto - The Daily Sentry


Isang 80-anyos na magsasaka mula sa Leyte nanalo ng P142.6-Milyon sa Lotto




 


Isang lolo na taga Leyte ang maging instant milyonaryo matapos na manalo sa lotto na P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Nag claim ng kanyang panalo si lolo sa PCSO central office sa Mandaluyong.



Nahulaan ni lolo ang Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46. Sinamahan naman ng kanyang dalawang anak na lalaki ang matanda nang siya ay dumating sa tanggapan ng charity agency upang kunin ang kanyang mga napanalunan.


Regular umanong tumataya ng Lotto si lolo sa loob ng 15 taon at gagamitin niya umano ang pera para bumili ng mga ari-arian para sa kanyang mga anak.


At magsisimula din daw si lolo ng maliit na negosyo at magbubulas din ng sariling Lotto outlet para mag patuloy na pagkaka kitaan.


Sa ilalim ng TRAIN Law (Republic Act No. 1169), ang mga premyo ng PCSO lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay sasailalim sa 20% tax. Ibig sabihin, si lolo ay makakapag uwi pa rin ng tumataginting na ₱114,080,000 pagkatapos maibawas ang nakatalagang buwis. *