PEDAL PARA SA DIPLOMA: Estudyanteng FoodPanda cyclist hinangaan ng mga netizens - The Daily Sentry


PEDAL PARA SA DIPLOMA: Estudyanteng FoodPanda cyclist hinangaan ng mga netizens



Ang edukasyon ang tanging bagay na hindi kailanman mananakaw ng kahit na sino man sa atin. Kaya naman pinupursige tayo ng ating mga magulang na mag-aral ng mabuti hanggang sa makapagtapos tayo at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Photo credit: Sha Lim Pua Diola

Ang ilan sa atin ay salat sa buhay kaya kinakailangan nilang magtrabaho upang makapagpatuloy sa pag-aaral. 

Kaya naman tunay na nakakahanga ang mga katulad nilang nagbabanat ng buto upang makatulong sa pamilya at para sa kanilang kinabukasan.

Samantala, pinuri ng mga netizens ang isang babaeng delivery rider na ang gamit ay isang bisikleta.

Sa Facebook post ng netizen na si Sha Lim Pua Diola, ibinahagi nito ang mga larawan ng babaeng food panda cyclist mula sa Lipa City, Batangas.
Photo credit: Sha Lim Pua Diola
Photo credit: Sha Lim Pua Diola

Sobrang sipag niyo naman po at nakakaya niyo makipag sabayan sa mga sasakayan kanya kanyang struggle tayo sa buhay sana ma-inspire kayo,” ayon sa post ni Sha Lim Pua Diola.

Aniya, hindi niya napigilang mapahanga nang makita ang babaeng food panda cyclist.
Photo credit: Sha Lim Pua Diola
Photo credit: Sha Lim Pua Diola

Nang makausap na niya ito, nalaman niyang nag-aaral pa lamang ang babaeng kinilalang si Nazel. 

Working student siya nagtitiyaga mag-pedal para sa diploma,” dagdag ni Diola. 
Photo credit: Sha Lim Pua Diola

Ayon pa sa kaniya, gusto umano talagang makatulong ni Nazel Tagaban sa kaniyang pamilya. 

Hiling naman ni Diola na magkaroon sana ng scholarship si Nazel dahil napakasipag nito hindi lamang sa kanyang pag-aaral kundi pati na rin sa paghahanap-buhay.



***