Ina ni Nadia Montenegro, pinalibutan sabay dinukutan ng bag sa isang membership store. - The Daily Sentry


Ina ni Nadia Montenegro, pinalibutan sabay dinukutan ng bag sa isang membership store.



Hindi napigilan ng aktres na si Nadia Montenegro ang pagkadismaya matapos matangay ang bag ng kaniyang ina sa isang membership store. Tinatayang nasa mahigit sa P100,000 libong piso ang nakulimbat ng mga kawatan mula sa mga atm at credit cards ng ina nito.

"This is not acceptable! This is very unacceptable"




Ngayong Miyerkules lang habang namimili ang ina ni Nadia sa S&R Novaliches ay bigla raw itong nakatanggap ng tawag mula sa kanyang kapatid na babae.

Ibinalita nito ang hindi kanais-nais na pangyayari. Nadukutan ng bag ang kanilang ina!

Habang abala raw ito sa pamimili ay bigla na lang niyang napansin na nawawala na ang kanyang bag. Agad naman nila itong ini-report sa pamunuan ng nasabing shopping store ngunit huli na ang lahat.

Nadia Montenegro Pla | Facebook

Nadia Montenegro Pla | Facebook


Sa loob kasi ng tatlong minuto mula ng mapansin na nawawala na ang bag ay wala na ang mga kawatan na kumuha dito. Nakalabas na ng S&R ang mga magnanakaw!

Ayon kay Nadia, pinalibutan raw ang kawawang seinor citizen ng pitong katao at sinamantala ang pagiging abala nito sa pamimili.

Bakas ang panggagalaiti ni Nadia nang ibahagi nito sa kaniyang Facebook live ang pangyayari habang umiiyak na lang sa isang tabi ang kanyang ina.

Nadia Montenegro Pla | Facebook

Nadia Montenegro Pla | Facebook


"PINAGKUMPULAN NYO NANAY KO!!!(crying emoticon) PINAGPLANUHAN NYO NANAY KO. SENIOR CITIZEN! NAGTRABAHO NG ILANG TAON SA AMERIKA, NAGHIRAP! TAPOS NANAKAWIN NYO LANG?"

Kaagad naman itong tumawag sa mga bangko upang ipaalam ang nangyari at upang matiyak ang seguridad ng pera ng ina ngunit bigo ito. Laking-gulat niya nang malamang nagamit na ang credit card ng ina at nalimas na rin ang perang laman ng atm nito.

Bakas ang pagkadismaya ng aktres at ng mga netizens sa pangyayari. Patuloy na iniimbistigahan ng mga awtoridad at pamunuan ng store ang nakalulungkot na pangyayaring ito.

Nadia Montenegro Pla | Facebook


Nadia Montenegro Pla | Facebook