Lalaking ‘nagsasarili’ sa loob ng bus, inireklamo ng katabing babae; dinakip ng operatiba ng IACT at mga pulis - The Daily Sentry


Lalaking ‘nagsasarili’ sa loob ng bus, inireklamo ng katabing babae; dinakip ng operatiba ng IACT at mga pulis



Nahuli ng mga operatiba ng I-ACT at PCG ang isang lalaking nagsasarili umano sa loob ng isang bus sa Muñoz Busway Station.
Photo credit to the owner

Lumapit ang isang babae sa mga operatiba ng I-ACT at PCG upang ireklamo ang lalaking tumabi sa kanya sa bus at nagsimula umanong hawakan ang sariling ari habang nakatakip ng payong.

Hindi pa umano ito nakuntento sa paghawak-hawak at maya-maya ay inilabas na nito ang ari at sinimulang himasin. Nakuhanan ito ng video ng babaeng pasahero.

Agad-agad na dinampot ang nasabing lalaki kasama ng mga operatiba ang Barangay at PNP upang maimbestigahan at sampahan ito ng kaukulang kaso.
Photo credit: i-ACT
Photo credit: i-ACT

“Hinihikayat ng I-ACT na lumapit agad sa aming mga operatiba upang ireklamo ang mga ganitong hindi kanais-nais (na) gawain.”

“Malugod na tutulong ang Task Force upang tuluyang mapanagot sa batas ang mga bastos at pasaway na pasahero,” anila.
Photo credit: i-ACT
Photo credit: i-ACT
Photo credit: i-ACT


***
Source: I-ACT | Facebook