Video ni James Reid patungkol sa lalaking humalik sa kanya at sinasabing boyfriend niya, fake news - The Daily Sentry


Video ni James Reid patungkol sa lalaking humalik sa kanya at sinasabing boyfriend niya, fake news



Mabilis na kumalat sa social media ang video ng aktor na si James Reid kung saan makikita ang isang lalaking hinalikan siya sa pisngi at sinasabing boyfriend umano niya ito.
Photo credit to the owner

Kuha ang video sa kanyang birthday party. Nag-celebrate si James ng kanyang 29th birthday noong May 11, 2022 kasama ang malalapit na kaibigan.

Nag-viral agad ang malisyosong video dahil pinagpasa-pasahan ito ng mga netizens at nilagyan pa ng caption stickers na:

"James' Rumored Boyfriend"
"James Reid, nilantad na ang kanyang tunay na kulay"
"Birthday Party with his new boyfriend"
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang mga gamit nilang hashtag ay #JaJa.

Ayon sa article ng PEP.ph, James din ang pangalan ng lalaking humalik sa pisngi ng aktor. Dun nanggaling ang hashtag na #JaJa.

Dagdag pa ng PEP.ph, business partner umano ng aktor sa kanilang kompanya na Brooklyn Industries Group ang nasabing lalaki.

Normal rin daw sa Italian at Australian men ang makipag-beso-beso sa kapwa lalaki.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kasama rin ng kaibigan ni James ang girlfriend nito nang i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Pinagtatawanan na lamang daw ng mga kaibigan ni James ang kumakalat na fake news dahil alam nilang walang katotohanan ang mga ito.

Hindi naman nakatiis at nagpaliwanag ang isa sa mga kaibigan ni James sa Facebook upang matigil na ang pagpapakalat ng mga fake news purveyor.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Aniya, "James Reid and James Thomas have been very good friends for a while now. He is also his business partner at Brooklyn Industries Group, Pop Up Katipunan, and Notorious Concepts.

"James [is] very amused by the reactions, we’re happy that you’re happy for his "new relationship."

"But sadly no, #JaJa is not true.

"James reaction at Tiktok was priceless. I hope you all had a good laugh like we did."

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: PEP