Xian Gaza sa Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’ - The Daily Sentry


Xian Gaza sa Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’



 



May bagong patutsada ang tinaguriang Pambansang Marites na si Xian Gaza kay Toni Gonzaga na ‘Chumi-cheap’ na raw at ‘wala ng class’ ang mga content nito sa Toni Talks.

 
“Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class. Yucks,” ayon kay Gaza matapos ang interview ng kontrobersyal na vlogger na si Toni Fowler nitong May 24 sa Toni Talks


 
Matatandaang naunang napanayam ni Toni si Zeinab Harake para sa Mother’s Day Special ng show ni Toni noong May 8 at sinundan naman ni Viy Cortes noong May 15.

 
“Nagsanib pwersa na yung mga walang mai-content. Ginawa na nilang content ang isa’t-isa,” dagdag pa ni Gaza

 
Ngunit biglang kabig din ang lalaking marites at pinuri ang kakayahan ni Toni na sabayan ang agos ng social media.

 
“Pero infairness, magaling si Toni. Sinasabayan niya yung agos ng social media para bahain ng views yung channel niya. Bumagsak nga lang yung value ng “Toni Talks” branding niya. Yun lang.


“From high-class national talk show to low-class vlog channel. Kahit Kakampink ako eh mas gugustuhin ko pa yung mga BBM moments niya noon kahit maraming haters. Ibang level. To the highest level. Malakas ang dating. Solid talk show,” saad pa ni Gaza *





 
Tila mas lamang ang pagka dismaya ni Gaza sa mga umano’y ‘cheap’ na content ni Toni sa kanyang show.

 
“Ngayon eh nagmukhang hybrid ni Charo Santos at Korina Sanchez ampucha. Cheapipay pa ng mga gine-guest. Na-prioritize yung socmed mileage over brand quality.” Aniya


 
“Sabi ko pa naman before elections “Ang galing ni Toni. Petmalu ng mga content. Sobrang bigatin ng mga iniinterview. Very relevant sa buong bansa. Siya na ang bagong Queen of Talk Show ng Pilipinas! Pawer!” Anyare…” sey pa ng pambansang marites

 
At dahil naging guest ni Toni si Fowler ay nagpahaging si Gaza na  “NEXT GUEST: Rob Moya.” 



 

Kamakailan lang ay naging laman ng social media sina Toni Fowler, Vince Flores, at ang ex-boyfriend nitong si Rob Moya.

 
Inanunsyo din ni Fowler na sinagot na niya ang kanyang manliligaw na si Vince.