Ate na sinabihan ng mga katrabaho na mag diet, dinibdib at naiyak habang kausap ang kanyang BF - The Daily Sentry


Ate na sinabihan ng mga katrabaho na mag diet, dinibdib at naiyak habang kausap ang kanyang BF



 

Larawan mula kay Brenzon Yanfer Daracan

Sa isang Facebook post ni Brenzon Yanfer Daracan, ibinahagi nito ang nangyare sa kanyang kasintahan habang nasa trabaho ito. 


Tila labis na dinamdam ng kanyang kasintahan ang sinabi sa kanya ng kanyang katrabaho dahil sa kanyang pisikal na anyo.


Pagbabahagi kasi ni Brenzon sa social media, habang sila ay magkausap sa isang video call ay bigla na lamang naiyak ang kanyang kasintahan dahil sinabihan daw umano siya ng kanyang mga kasama sa trabaho na mag diet naman daw dahil ang taba-taba na nito.

Larawan mula kay Brenzon Yanfer Daracan

Larawan mula kay Brenzon Yanfer Daracan

Tila dinibdib ng babae ang natanggap ng panlalait mula sa kanyang mga katrabaho.


Bakas sa babae ang lungkot sa kanyang mukha at tumutulo pa ang luha habang kausap ang kanyang kasintahan na si Brenzon.


Dahil dito ay todo pagtatanggol naman si Brenzon sa kanyang kasintahan sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account.


"Mag-kausap kami ng jowa ko kagabi and bigla nalang s’yang naiyak kasi may ka workmate daw s’yang nag sabi sakanya na mag diet naman daw siya kasi ang taba-taba na n’ya." sabi ni Brenzon


Ayon kay Brenzon, sana naman ay maging sensitive ang iba sa mga sinasabi dahil hindi nila alam ang mararamdaman at pinagdadaanan ng taong pagsasabihan nila nito.


"Gusto ko lang sabihin na maging sensitive tayo sa mga sinasabi natin dahil hindi natin alam kung anong pinag dadaanan ng tao," dagdag pa ni Brenzon


Sinabi pa ni Brenzon na dapat ay maghinay-hinay naman ang ibang tao sa pagsita o pagsabi ng mga masasakit sa kapwa dahil hindi nila alam ang epekto nito sa ibang tao.


Sinabi din ni Brenzon na sana itong kanyang post ay makapag-paalala sa ibang tao na mag-isip munang mabuti bago magsalita sa kapwa.

Larawan mula kay Brenzon Yanfer Daracan

"Nakakalungkot kasi wala ako don para icomfort s’ya pero etong simpleng awareness na pwede kong magawa e maaring makapag paalala sa iba na mag isip muna bago mag salita." ayon kay Brenzon


Narito ang buong post sa ibaba: 


"Mag-kausap kami ng jowa ko kagabi and bigla nalang s’yang naiyak kasi may ka workmate daw s’yang nag sabi sakanya na mag diet naman daw siya kasi ang taba-taba na n’ya. Gusto ko lang sabihin na maging sensitive tayo sa mga sinasabi natin dahil hindi natin alam kung anong pinag dadaanan ng tao, yung simpleng pag sabi or sita mo e hindi mo alam na malaki na pala ang epekto sa ibang tao. Nakakalungkot kasi wala ako don para icomfort s’ya pero etong simpleng awareness na pwede kong magawa e maaring makapag paalala sa iba na mag isip muna bago mag salita."

Larawan mula kay Zyra Gonzales

Larawan mula kay Zyra Gonzales


****