Bakbakan na! Annabelle pinagtanggol ang anak na si Ruffa, pinatutsadahan si Guanzon? - The Daily Sentry


Bakbakan na! Annabelle pinagtanggol ang anak na si Ruffa, pinatutsadahan si Guanzon?




Walang kagatol-gatol na ipinagtanggol ni Annabelle Rama ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa isang Facebook post. 


Muling ipinaramdam ng kilalang aktres na si Annabelle Rama ang kanyang impluwensya at napakalakas na pwersa mula noon hanggang ngayon kasunod ng kanyang napaka palaban na Facebook post. 


TO THE RESCUE


Mas kilala sa tawag na ‘Tita Annabelle’ sa mundo ng showbiz, niyanig ng sikat na showbiz personality ang social media matapos nitong saklolohan ang kanyang aktres na anak na si Ruffa Gutierrez sa tila isang basher na hindi nito pinangalanan. 


THE TWITTER SAGA


Maaalalang may naging palitan sa Twitter kamakailan lang si Ruffa at ang ex-COMELEC commissioner na si Rowena Guanzon. 


Nagsimula ito nang mag-post si Guanzon tungkol sa mga kasambahay ng hindi pinangalanang indibidwal na pinaalis raw sa first class village at hindi pa umano pinasahod. 



Kasunod nito ay ni-retweet ni Guanzon ang naturang post at naglagay ng caption kung saan nag name drop na ito at tinanong si Ruffa Gutierrez kung may katotohanan nga ba sa nasabing istorya. 


Agad naman itong pinabulaanan ni Ruffa sa pamamagitan ng pag-reply ng direkta sa tweet ni Guanzon. 


Aniya, walang katotohanan sa nabanggit na kwento. Doon ay idinetalye rin ng aktres ang totoong nangyari sa bahay nila. 


Paliwanag ni Ruffa, nagkaroon ng ‘sitwasyon’ sa bahay nila kung saan kinailangan pa raw nyang tumawag ng security para masiguradong ligtas ang mga anak nya. Dagdag pa nya, busy umano sya sa shooting ng Maid in Malacañang noong mga panahon na yon kung kelan nangyari ang insidente. 





Muli itong nilinaw ng aktres nang magtweet sya kay Guanzon at sinabing wala syang pinalayas. Aniya pa, boluntaryong umalis o umalis ayon sa sarili nilang kagustuhan ang dalawa nyang kasambahay salungat sa mga kumakalat na haka-haka na pinalayas nya ang mga ito. 

Sa naturang tweet ay inanyayahan din nya ang abogada na manuod ng movie nya na Maid in Malacañang kung saan sya naging abala habang nagagaanap noon ang insidente sa bahay nila.

Ika ni Ruffa kay Guanzon, panuorin daw nya ang palabas na ito dahil tiyak ay magugustuhan nya iyon. 



‘You call me cong”


Sinagot ni Guanzon ang tweet ni Ruffa at sinabing dapat ay matuto ang aktres na sabihin ang salitang ‘Congresswoman’. 


Dagdag pa nya, ‘You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan’


CRYPTIC POST


Sa puntong iyon ay tila pumasok na sa eksena ang nanay ni Ruffa na si Annabelle. Ito ay matapos mag-post sa Facebook ng nanay ng aktres tungkol sa isang tao na aniya kung magkwento ay ‘akala mo CCTV ni Ruffa’. 


Sabi pa ng kilalang stage mother, asikasuhin na lang raw ng taong iyon ang kaso nya. 


‘Mind you own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo.”


Ika pa ni Annabelle, baka gusto raw ng taong hindi nya pinangalanan na mapasali sa pelikula ng kanyang anak na Maid in Malacañang kaya raw ito ‘nagpapapansin’.