"Kailangan ganto pa gawin ko para magbayad ka ng utang?"- Mensahe ni ate sa kaibigang nakalimot ng utang - The Daily Sentry


"Kailangan ganto pa gawin ko para magbayad ka ng utang?"- Mensahe ni ate sa kaibigang nakalimot ng utang



Larawan mula kay alyas Nene

Tila nga naman nakasanayan na ng mga Pilipino ang pagkahilig sa utang ng pera na kadalasan ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig.


Ang iba ay umuutang sa mga kakilala o kaibigan upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya at mayroon din namang iba na umuutang para lamang sa kanilang hindi mapigilang luho sa katawan.


Gayunpaman, nag-viral sa social media at nakatanggap ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga tao ang ginawang post ng isang netizen na itago natin sa pangalang  alyas Nene, kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang ginawang paraan upang magbayad na sa kanya ang taong matagal na nitong sinisingil sa kanyang utang na pera.

Larawan mula kay alyas Nene

Ayon kay Alyas Nene, mag-iisang taon na umano ang utang sa kanya ng taong hindi nito pinangalanan kung kaya naman panay ang chat at tawag niya dito para magbayad dahil kailangan na umano niya ang pera.

Larawan mula kay alyas Nene

Ngunit kahit anong gawing paramdam nito sa mga chat ay hindi nagrereply at nagpaparamdam ang umutang sa kanya kung kaya naman ang ginawa niya ay tinakot niya ito.


"Baka sakali lang pong maisipan mong magbayad. Matatapos na lang yung taon. Pag sinisingil ka di ka na mahagilap." ayon sa chat ni alyas Nene.


Napag-alaman din ni alyas Nene na may mga pagkakataon na nakikita niya ito na panay ang gala at panay ang bisita sa starbucks pero hindi magawang mabayaran ang utang sa kanya na tila kinalimutan na nga nito.


"Nung nakaraan lang panay gala ka te pa starbucks starbucks ka pa pero yung utang mo di mo maalala tas pag siningil ka gal1t ka pa." ayon sa chat ni alyas Nene.


Dahil dito ay nagsend si alyas Nene ng isang pulang manika at itim na kandila sa babaeng ayaw magbayad ng utang at tila naging epektibo nga ito para masingil na niya ang halos isang taon na utang sa kanya.


"Sige sige be kita tayo ha wag ganyan babayaran na kita ha tapon mo na yan ha." ayon sa reply ng babaeng may utang.


Basahin sa ibaba ang screenshot ng kanilang pag-uusap:

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene

Larawan mula kay alyas Nene


Lawaran mula kay Alyas Nene

Lawaran mula kay Alyas Nene

Lawaran mula kay Alyas Nene

***