'May pinag aralan, asal kanto naman!' Pasaring ni Ruffa sa mga nag-aral sa elite universities pero walang manners - The Daily Sentry


'May pinag aralan, asal kanto naman!' Pasaring ni Ruffa sa mga nag-aral sa elite universities pero walang manners




Isang latest cryptic tweet ang pinagkakaguluhan ngayon ng marami matapos ito ibahagi ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa kanyang twitter account. Tila may pasaring at bagong pinatututsadahan ang aktress at sa pagkakataong ito ay tungkol sa mga estudyanteng nag-aral sa magaganda at kilalang unibersidad pero pangit naman ang pag-uugali. 


Umani ito ng ibat-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens at puro mga spekulasyon lang ang iba sa kung sino ang pinatatamaan ni Ruffa dahil wala itong binanggit sa kung sino ito at kung anong elite na paaralan ang tinutukoy sa tweet niya.



“Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag aralan nga, asal kanto naman. Gosh… #RuffasThoughts,”



Naging laman ng balita at kontrobersyal ang aktres matapos ito pinaratangan sa pagpapalayas umano niya sa dalawang niyang kasambahay na hindi pa pinapasahod. 


Ito ang inilabas ni dating Comelec commissioner at P3PWD Rep. Rowena Guanzon sa isa niyang tweet para tanungin si Ruffa kung may katotohanan ito, na agad namang pinabulaanan ang insidente dahil kusa at ginusto raw ng dalawa ang umalis. 


“No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In MalacaƱang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,”





“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG – You should watch it BTW. You’re gonna love it,” saad ni Ruffa.


“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave,” dagdag pa niya. 


Hindi naman napigilan ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama na magsalita upang ipagtanggol ang anak laban sa mga bumabatikos rito. Bagamat wala rin itong binanggit na pangalan ngunit hinala ng mga netizens na para kay Guanzon ito. 




“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!,” saad ni Annabelle.


“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAƑANG kaya ka nagpapapansin??” dagdag pa nito.


Agad namang bumwelta si Guanzon at sinagot si Annabelle ng  "Wait lang dayy!". 


***

Source: Ruffa Gutierrez

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!