Tunay na Bayani! Isang Aso, Nagbuwis ng Sariling Buhay upang Iligtas ang May-ari nito! - The Daily Sentry


Tunay na Bayani! Isang Aso, Nagbuwis ng Sariling Buhay upang Iligtas ang May-ari nito!



Photo credit, 1st photo Gemini Traya Algato | Facebook, 2nd photo The Sun

Marami na ang makapagpapatunay na ang ating mga alagang Aso ang talaga namang 'Man's Bestfriend'. Kadalasan ang tawag natin sa kanila ay Bantay, dahil sila ang nagsisilbing taga-bantay ng ating mga tahanan.

Sa panahon ngayon, hindi na lang alaga ang turing ng may-ari sa kanila, kundi isang tunay na kaibigan. Sadya kasing maaasahan sila, lalo na kapag kaligtasan ng kanilang may-ari ang nakasalalay. Paminsan nga ay kahit sarili nilang buhay ay kaya nilang ialay, mailigtas lamang ang kanilang amo.



Photo credit to Wonderopolis

Tunay raw kasing mapagmahal, malambing at loyal ang mga aso. Malakas rin ang kanilang pakiramdam, lalo na sa mga sakunang parating. Kaya naman madalas ay 'to the rescue' sila para sa kanilang mga tagapag-alaga.

Tulad na lamang ng isang kahanga-hangang asong ito na iniligtas ang kanyang amo sa puntong binawian siya ng sariling buhay.

Ang nakakalungkot na pangyayaring iyan ay ibinahagi ng netizen na si Gemini Traya Aligato, kung saan kanyang ipinakita ang mga larawan ng kanilang alagang aso sa pagpanaw at mga huling sandali nito.

Photo credit to Gemini Traya Algato | Facebook

Kwento ni Gemini, naghahanda diumano ng mga gamit ang kanyang kapatid para sa lamay ng kanilang ina ng bigla itong sumigaw dahil nakuryente sa isang 'electic cable'.


Habang nakukuryente ay nagdarasal raw ang kanyang kapatid na sana ay makaligtas siya sa aksidenteng iyon ng biglang dumating ang kanilang alagang aso, mabilis na tumalon at kinagat at kinuha ang kable na hawak ng biktima.

Maswerteng nakaligtas ang kanyang kapatid ngunit hindi ang kanilang alagang aso.

Photo credit to Gemini Traya Algato | Facebook

Masaya man raw sila na buhay ang kapatid ngunit sobrang lungkot ang kanilang nadama para sa alagang aso na nagbuwis ng buhay para sa kanila.

Labis rin ang pasasalamat ni Gemini kay 'dogi' dahil kung wala ito, marahil ay pumanaw din ang kanyang kapatid, hindi pa man nalilibing ang kanilang ina.

Photo credit to Gemini Traya Algato | Facebook

“Nagligtas ng buhay ng aking kapatid…bakit ngayon pa dumating ang matitinding pagsubok..dogi salamat sa pagligtas ng buhay ng aking kapatid kung wala ka marahil ay patay na siya…hindi pa nga nalilibing si mama”, post ni Gemini.