Mamahaling arowana na alaga ng mister, prinito ni misis dahil sa ginawa ng kanyang asawa - The Daily Sentry


Mamahaling arowana na alaga ng mister, prinito ni misis dahil sa ginawa ng kanyang asawa



 

Nang dahil sa pandemya, maraming tao ang nahilig at naging libangan ang pag-aalaga ng hayop gaya ng pusa, aso, ibon o mga isda, dahil pangtanggal stress daw kasi nila ito. Hindi rin biro ang pag-aalaga ng mga hayop na ito sapagkat kaylangan mong maglabas ng pera.



Tulad ng pag-aalaga ng Asian Arowana, ang pinakamahal na aquarium fish sa buong mundo. Hindi man kapani-paniwala pero ang isang arowana ay nagkakahalaga ng $300,000 o mahigit Php 15,000,000. 



Ngunit ano na lamang ang iyong mararamdaman kung malaman mo na ang mamahalin mong alagang Arowana ay niluto ng iyong Misis?


Ito ang masaklap na pangyayaring naganap sa isang mister matapos lutuin ng maybahay nyang si Mia ang arowana ng kanyang asawa.


Ayon kay Mia, wala naman siyang problema sa pagkahilig ng asawa sa pag-aalaga ng isda ngunit hindi nito nagustuhan ang pagiging tamad at hindi paglilinis ng kanyang mister sa kanilang aquarium tank.



Kaya naman isang araw naisipan ni Mia na siya na lamang ang maglinis ng aquarium, ngunit laking gulat niya raw ng mawalan ng hininga ang Arowana. Sa huli, napagdesisyonan na lang raw niya na lutuin na lang ang kaawa-awang isda na wala nang buhay.


Talaga namang gulat na gulat, hindi makapaniwala at nanghihinayang ang mister ni Mia sa sinapit ng kanyang munting alaga subalit wala na rin naman daw siyang magagawa patungkol dito. Para sa kanya, mas mahalaga pa rin ang relasyon nilang mag-asawa kaysa sa mamahalin niyang Arowana.



Sa ngayon ay natuto na ang mister ni Mia na dapat siya na ang maglilinis ng kanilang aquarium tank kung sakaling bibili muli siya ng Arowana sapagkat maari muling maulit ang ganitong pangyayari.