Dalaga, Hinawak-Hawakan at Pinisil-Pisil sa Legs ng Taxi Driver, Viral! - The Daily Sentry


Dalaga, Hinawak-Hawakan at Pinisil-Pisil sa Legs ng Taxi Driver, Viral!




Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook

Mabilis na kumalat sa social media ang post na ibinahagi ng isang dalagang netizen na taga Bacolod tungkol sa hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan sa loob ng isang taxi kamakailan.

Ang netizen ay si Alessandra Pedreña Tupas na nagpost sa Facebook ng kanyang nakakasuklam na karanasan sa pagsakay sa isang taxi na mayroon pa lang bastos na driver.



Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook

Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook

Kwento ni Alessandra, mga bandang alas-dos ng tanghali ng sumakay siya ng taxi upang makipagkita sa mga kaibigan at naupo sa front seat.

Noong una ay maayos naman raw silang nagkwekwentuhan ng taxi driver hanggang sa nagulat na lamang siya ng maramdamang hinahawakan at pinipisil-pisil na ang binti niya nito.

Pinagalitan niya diumano ang driver at sinabing ihinto nito ang ginagawa at sinubukang bumaba ng taxi ngunit mapilit raw ang driver at patuloy na hinimas-himas ang kanyang legs.



Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook

Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook

Tumigil lamang raw ito ng kanyang sinabi na pulis ang kanyang ama at doon ay maswerteng nakababa ng taxi na hindi sinasaktan ng bastos na driver.

Ngunit dahil sa sobrang takot at kaba ay hindi niya na diumano nakuha ang plate number ng taxi ngunit sinabing mayroon siyang pangalan at impormasyon nito.

Babala ni Alessandra sa mga kapwa babae, maging alisto sa pagsakay ng taxi at huwag na huwag raw sasakay sa front seat kung walang kasamang iba, dahil napatunayan niya na mayroon pa ring mga lalaking mapagsamantala sa kababaihan ngayon.

Narito ang kanyang viral post:

"To all girls nga ga taxi be aware kamo kag di kamo mag pungko sa front seat kung kamo lang isa. Proven and tested na. Around 2 pm nag sakay ko taxi kay ma meet up ko sa miga ko. Una una okay pa conversation namon ka driver tapos dugay dugay ka touchy na siya ging saway ko siya kag gina pilit ko nga manaog nako pero ga insist siya sige ko hambal nga pulis papa ko pro way dyapon ka hadlok amo na nag hipos nalang ko kag gapa idog palayo siya. Way ko ka pic sang plate number kay grabing pangurog ko kag ang sa utok ko maka kadto na sa balay sang miga ko. Kung sino kaman nga taxi driver ka kabay ma paminsar mo man ang ging himo mo….

Sa bacolod ni natabo.
 
Update: May picture nako ka chura ya and fb ya pero di ko pag i post sa public."



Photo credit to Alessandra Pedreña Tupas | Facebook