Donnalyn nag birthday sa kalsada, ilang personalidad dumalo sa kontrobersyal na "Kanto Birthday". - The Daily Sentry


Donnalyn nag birthday sa kalsada, ilang personalidad dumalo sa kontrobersyal na "Kanto Birthday".



Trending ngayon ang tinaguriang "Kanto Birthday" ng sikat na vlogger at internet sensation na si Donnalyn Bartolome, kung saan idinaos nito ang kanyang kaarawan sa kalsada kasama ang malalapit nitong mga kaibigan.

Binalikan umano ng singer na si Donnalyn ang simpleng buhay na kanyang piangdaanan nang siya ay nag uumpisa pa lamang sa kaniyang karera.




"Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.." ani nito.

Pinanganak man sa ibang bansa na may komportableng buhay, pinili ni Donnalyn na mamuhay ng mag-isa at manirahan sa Pilipinas.

Dahil dito, naranasan ni Donnalyn ang maging walang wala. Isang karanasan na magpapatibay sa kanyang pagkatao at nagsilbing daan upang makilala nito ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Ito ang naging inspirasyon sa konsepto ng kanyang kaarawan.

Donnalyn | Facebook

Donnalyn | Facebook


Dito umano siya nagsimula, sa wala! Tipikal na selebrasyon na dinaluhan ng ilang mga personalidad.

Kasama sa naganap na kasiyahan ang mga artistang sina Ella Cruz, Andre Paras, Paul Salas, Mikee Quintos, Awra Briguela, Jelai Andres, Zeinab Harake at ilan pang mga kilalang content creator sa social media.

Bitbit ang karaniwang alak na kadalasang iniinom sa mga kalsada, isa-isa itong pinatungga ni Donnalyn sa kanyang mga bisita.

Donnalyn | Facebook

Donnalyn | Facebook


Kita rin sa larawan ang tustadong sinaing na nagsilbing cake ng may kaarawan.

Bida rin sa lamesa ang mga plastic na pitsel at baso, pati na rin ang mga handa nito na isaw, kornik, balut at kung anu-ano pang pagkain na karaniwang makikita na binebenta sa mga kanto ng kalsada.

Pagpapaliwanag ni Donnalyn, "My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable,"

"I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin." Dagdag pa nito.

Happy birthday sa'yo Ms. Donnalyn Bartolome!

Donnalyn | Facebook