Ogie Diaz, binunyag na sinabi sa kanya ni Jeric Raval na hindi umano nito anak si Vanessa - The Daily Sentry


Ogie Diaz, binunyag na sinabi sa kanya ni Jeric Raval na hindi umano nito anak si Vanessa




 


Ibinahagi ni Ogie Diaz, sa pinakabagong video sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel, ang dapat sana nilang pag-uusap ni Jeric Raval tungkol kay Vanessa Raval.


Sa nasabing video na pinalabas ngayon, August 3 ay tinanong ni Mama Loi ang talent manager, "Diba napag-usapan niyo na 'yan ni Jeric Raval? O ano daw ba? Anak ba niya talaga si Vanessa?"


Dito sinabi ni Ogie ang nakakagulat na balita na hindi daw talaga anak ni Jeric si Vanessa, anak daw talaga ito ng kanyang pinsang buo.


“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya na nakiki-tatay Tatay Eric na rin sa kanya,” pagbubunyag ni Ogie

    

Vanessa Raval (@VanessaRavalOfficialPage)

“'Yun ang malinaw. Pero sabi ko sa kanya, kay Jeric, 'Pero kamukha mo ah'. Sabi niya, 'Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko 'no. Eighteen nga anak ko, hindi ko itinanggi. Hindi naman sa'kin 'yan. Hindi ko nga alam sa batang 'yan ba't ganyan ang mga naglalabasan sa kanya.' E wala naman daw siyang social media nakakarating-rating lang sa kanya.” Kwento pa ni Ogie sa napag usapan talaga nila ni Jeric*


Nito lang ay nakapanayam ni Ogie si Jeric sa kanyang vlog at naging tikom ang bibig ng aktor tungkol kay Vanessa.


Kamakailan lang din ay nag viral ang pangalan ni Vanessa dahil sa kwento nitong may rapper na nangungulit sa kanya na kalaunan naman ay umamin siyang "scripted" lang ito.


Wala nga namang mag-aakala na hindi anak ni Jeric si Vannesa dahil kamukhang-kamukha ito ng dating action star.


Sa nasabing panayam ni Ogie ay nabanggit din na 18 pala lahat ang anak ni Jeric at si AJ daw ay lumaki sa piling nila ni Holiday, ang tunay na asawa ng aktor.


Jeric Raval kasama ang 4 na anak sa tunay na asawang si Holiday (Facebook: Holiday Buensuceso)


Ang ibang mga anak ni Jeric ay nakatira na sa ibang bansa at ang nakikita lang niya ay 'yung iba ay nandito sa Pilipinas.


Isa-isang tinukoy ni Jeric ang kanyang mga anak ngunit hindi nabanggit si Vanessa.*


“Anak mo ba si Vanessa kasi hindi mo binanggit?” tanong naman ni Ogie


Hindi agad nakasagot si Jeric ngunit ang sagot nito ay, “Ano ah, tawag dito, let’s not talk about her na lang kasi hindi ko alam, wala kasi akong social media. Kapag nasa bahay ako abala ako sa gawaing bahay o kaya minsan nasa farm ako. Kaya hindi ko napapanood mga ‘yan (issue ni Vanessa).”


Samantala ay inamin din ng action star na hindi niya alam na pumasok na ang anak na si AJ sa showbiz at hindi rin daw niya pinapanood ang mga pelikula nito.


“Wala akong alam sa mga role na ginagampanan niya, ni minsan wala pa akong napanood na pelikula niya. Ang totoo niyan hindi ko siya sinusuportahan sa mga ganu’n klaseng pelikula niya (pa-sexy).


“E, ako nga action star ako pero pag pinanood mo mga pelikula ko wala akong t0rrid kissing scene. Wala akong (eksena) nakatalikod na nakita ang wetpaks, wala rin akong eksenang kunwari nasasarapan ako,” nakangiting wika ni Jeric


Sey pa ng daddy ni AJ, nahihiya siya at  naaalibadbaran sa pagpapa sexy ng anak.


“Nakaganito (nakatayo) ako sa sinehan tapos ganu’n ‘yung mga eksena tapos nakaganu’n ka (sabay takip ng mukha), tapos ang tao nakatingin kay Jeric kung ano reaksyon, tapos aabangan ka para interbyuhin ka. Alangan namang ganu’n ang eksena tapos papalakpak ka, ‘ang galing ng anak ko,'” katwiran pa ng aktor