Janno Gibbs, itinanggi na siya ang lalaking nag-ala Jim Paredes sa isang video: "Hind ako yun" - The Daily Sentry


Janno Gibbs, itinanggi na siya ang lalaking nag-ala Jim Paredes sa isang video: "Hind ako yun"



Mariing itinanggi ng singer/actor na si Janno Gibbs na siya ang lalaking nasa video scandal na kumalat noong August 2018.
Photo credit to the owner

Sa isang interview ni Ogie Diaz, isa sa mga naitanong kay Janno ay kung ano ang mga ibinabato ng bashers sa kanya dahil mahilig siyang sumagot sa mga ito.

Dito ay muling binalikan ni Janno ang patuloy pa ring bashing sa kanya dahil sa video scandal na ikinakabit sa kanya.

Aniya, “Ang isa sa hirap akong sagutin at yun talaga bina-block ko at sinasagot ko nang matindi, yun ang isasagot sa akin, yung scandal ko. ‘Naku, si Janno,’ magpu-post pa sila ng picture.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Minsan kinu-comment pa nila sa post ng mga anak ko. Yun ang hindi ko gusto.”

Sina Alyssa at Gabby Gibbs ay anak ni Janno Gibbs sa asawang si Bing Loyzaga.

Paliwanag ni Janno, kamukha lang niya ang nasa kumalat na video at hindi siya.

“Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun. Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated,” ani Janno.
Photo credit to the owner
Janno Gibbs / Photo credit to the owner

"Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong. But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig,” dagdag nito.

Nilinaw muli ni Ogie kay Janno ang sinabi nitong hindi siya ang nasa video. Ngayon lang daw niya nalamang hindi pala ang comedian ang nasa video.

Diretsong sabi ni Janno, “Hindi ako yun. Kaya lang, kahit anong sabi ko na, 'Hindi ako yun,' binabato pa rin sa akin.
Gibbs Family / Photo credit to the owner
Gibbs Family / Photo credit to the owner

“So, maano sa akin yun, very sensitive sa akin yun. Kasi nakakahiya naman sa mga anak ko.”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong nagsalita si Janno tungkol sa sinasabing video scandal umano niya. Aniya, na-down daw siya dahil dito.

Sa mediacon ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo noong August 2019, kahit umiiwas siyang pag-usapan ito, hindi niya itinangging na-down siya nang panahong may pinagdadaanan siya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Talagang medyo na-down ako, hindi ko naman itinatanggi yun. But now, I’m very happy na I’m with Viva, at bumabalik ulit ang confidence ko. Medyo missing in action talaga, admittedly.

“Ayoko nang masyadong pahabain, but I must admit na nagkaroon ako ng problema dito, problema diyan, but since I signed with Viva as an artist, sila na po ang bahala as manager ko ngayon, feeling ko ay unti-unti nang naaayos ulit,” dagdag pa ni Janno.

Samantala, noong April 1, 2019 ay nagtrending din ang dating miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes matapos kumalat sa social media ang kanyang video habang gumagawa ng hindi kaaya-aya.
Jim Paredes / Photo credit to the owner
Jim Paredes / Photo credit to the owner

Ayon sa mga nakapanood na netizens sa limang-minutong video, sa una ay inilabas lamang ng lalaki ang kanyang dila hanggang kalaunan ay pinaglaruan na nito ang kanyang ari.

May ka-video chat diumano ang lalaki sa video na sa isang punto ay sinenyasan pa niyang huwag daw itong masyadong maingay.
Jim Paredes / Photo credit to the owner
Jim Paredes / Photo credit to the owner

Noong una ay itinanggi pa ito ni Jim, ngunit kalaunan ay umamin na rin ito matapos mapansin ng mga netizens ang ilang pruweba na siya nga ang lalaking nasa viral video.

Narito ang buong pahayag ni Jim noon:

“When I saw it on social media, I was in a quandary how to respond. But after mulling and praying over it, I decided to come clean. There are already too many lies and liars in this world. I do not wish to be a part of that cabal. I have chosen to be truthful because I know that painful as the truth can be, it will eventually set me free.”

“I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry."

“I know many of you have judged me and condemned me, and those who held me in high esteem are disappointed in me, to put it mildly. I apologize for my irresponsibility. But most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame, that should only be mine. I pray that they be spared any more wicked trolling by those who would revel in their pain.”


***
Source: PEP, Rappler