Lian Paz, muling inamin na mula noon ay walang natatanggap na sustento ang dalawang anak niya kay Paolo. - The Daily Sentry


Lian Paz, muling inamin na mula noon ay walang natatanggap na sustento ang dalawang anak niya kay Paolo.



Diretsahang inamin ng dating EB Babes dancer na si Lian Paz na mula noon ay walang natanggap na sustento ang dalawang anak na babae nila ni Paolo Contis. "Sad to say, wala"

Sa panayam nito sa PEP.ph ibinahagi nito na simula pa noong maliliit sila Xonia at Xalene ay wala itong komunikasyon at nakuhang suportang pinansiyal sa kanilang actor na ama.




"Wala silang communication simula noong maliit pa sila hanggang ngayon na graduate na ang anak ko," ani Lian.

Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong 2012 at noon pa lang ay nasabi na ni Lian na mag-isa lang niyang itinataguyod ang mga anak.

Natuldukan lamang ito nang makilala niya ang kanyang Cebuanong fiancé na si John Cabahug. Si Lian at ang kanyang mga anak ay matagal nang naninirahan sa Cebu.


Lian Paz | Facebook Public Photos


liankatrina | Instagram


Bukod kay Xonia at Xalene, magkasama ring pinapalaki nina Lian at John ang kanilang sariling anak na si Niña at isa pang anak ni John mula sa dati nitong nakarelasyon.

Aminado si Lian na hirap siya noong mga oras na naghiwalay sila ni Paolo. Wala na siyang trabaho noon at hindi alam kung paano at saan siya kukuha nang ikakabubuhay nilang mag-iina.

liankatrina | Instagram

liankatrina | Instagram


Sa una ay nanghihingi ito ng tulong at suporta kay Paolo para sa dalawang anak.

Dahil sa walang kaalam-alam si Lian sa mga legal na proseso tungkol dito, lumapit ito sa dating executive ng Eat Bulaga! na si Malou Choa-Fagar upang humanap ng abogado na makakatulong sa kanila.

"Kasi, hindi nga ako maalam sa ganyang bagay. Mahirap din kasi emotional ako that time, so para yung mga bata lang ang maisip ko."

liankatrina | Instagram

liankatrina | Instagram


"Gumawa kami ng letter. I talked to him at that time. Sabi ko, 'I talked to a lawyer, baka maka-receive ka ng letter."

Ngunit nakiusap noon si Paolo at oumayag naman si Lian na huwag ng paabutin sa korte ang problema.

"So ako, okay… kung gusto mong magsuporta sa mga bata, idiretso mo na lang sa akin or whatsoever."

liankatrina | Instagram


Makalipas ang 10 taon ay walang natanggap na suporta ang mga anak ni Lian sa kanilang ama. Nakasanayan na daw nila ito at minabuting hindi na maghabol pa.

Mabuti na lang at dumating ang hulog ng langit nitong fiancé na si John. Hindi lang siya naging basta stepfather lang bagkus ay itinuring na nitong tunay na anak sina Xonia at Xalene.

"John stepped in talaga, not just as a stepfather but as their dad talaga." buong pagmamalaki ni Lian.