Malaking pagkakahawig ni Bea Alonzo at lola ng kanyang nobyo na si Dominic Roque, naging usap-usapan - The Daily Sentry


Malaking pagkakahawig ni Bea Alonzo at lola ng kanyang nobyo na si Dominic Roque, naging usap-usapan



 

Larawan mula kay Dominic Roque

Naging usap-usapan sa mundo ng social media ang malaking pagkakahawig ng mukha ng sikat na aktres na si Bea Alonzo at ang lola ng kasintahan niyang si Dominic Roque.


Ayon sa mga nakasaksi, tila nga itinadhana na magkatuluyan ang dalawang magkasintahang Bea at Dominic dahil kitang-kita sa pag-iibigan ng dalawa ang nag-uumapaw na kaligayahan na kanilang nararamdaman sa piling ng isa't-isa.


Makikita sa kanilang mga ibinahaging larawan sa social media na talaga namang namamayani ang pag-iibigan ng dalawa matapos silang magbakasyon sa Amerika. 

Larawan mula kay Dominic Roque

Larawan mula kay Dominic Roque

Habang nagbabakasyon sa Amerika ay ipinakilala ni Dominic sa kanyang pamilya ang kasintahang si Bea kung saan ay naging maiinit naman ang pagtanggap nila sa aktres.


Bilang bagong miyembro ng pamilya, talaga namang ipinaramdam ng pamilya ni Dominic ang kanilang pagmamahal kay Bea dahil kitang-kita ang masaya nilang bonding sa isa't-isa.


Dito ay nakilala rin sa personal ni Bea ang lola ni Dominic na si Lola Zeny na talaga namang malaki ang kanilang pagkakahawig dahil sa mga larawan noong kabataan ni lola ay aakalain mo talaga na kambal ang dalawa dahil sa sobrang magkahawig nila.


Sa social media ay ipinagtabi ang larawan ni Bea at lola Zeny na talaga namang tila mag-kambal ang dalawa kung kaya maraming netizens ang napahanga sa kanilang nakita at ayon pa sa iba ay talagang itinadhana na ang magkasintahang Bea at Dominic.


Talagang napa-wow ang karamihan sa mga netizens at sabi pa ng iba ay tila si Bea nga noong medyo bata pa ang throwback photo ni lola Zeny.

Larawan mula kay Dominic Roque

Larawan mula kay Dominic Roque

Sa mga hindi nakakaalam ay si lola Zeny ay ina ng dating batikang aktres na si Beth Tamayo na tita naman ni Dominic Roque.


Matatandaan sa naging panayam ni Bea sa Kapuso Network na inamin nitong ang pagiging mapagmahal ni Dominic sa kanyang pamilya ang isang bagay na talaga namang kanyang hinahangaan sa kanyang nobyo.

Larawan mula kay Dominic Roque

Larawan mula kay Dominic Roque

Ayon pa kay Bea, ito umano ang kanyang basehan ng pagiging mabuting tao, kung paano mo tratuhin ng maayos ang iyong mga magulang at kamag-anak.


Sinabi rin ng aktres na ang pagmamahalan, pagkakaroon ng unawaan at pag-intindi sa isa't-isa ang sikreto sa pagkakaroon ng masaya at matatag na pagsasama ng dalawang magkasintahan.


***