Satisfied Customer! Ito ang buong pagmamalaking ibinahagi ng isang tattoo shop sa Bacolod matapos tattoo-an ang isang customer. - The Daily Sentry


Satisfied Customer! Ito ang buong pagmamalaking ibinahagi ng isang tattoo shop sa Bacolod matapos tattoo-an ang isang customer.



Hindi magkamayaw na halakhakan at talaga namang sobrang laugh trip ang hatid ng mga ibinahaging litrato ng Facebook page na Bacolod Tattoo Artist matapos itong kumalat sa social media.

Makikita kasi sa larawan ang hindi pangkaraniwang itsura ng tattoo na itininta sa ulo ng isang lalaking customer ng naturang tattoo shop.




Pulidong pulido at di hamak na isang propesyonal ang nag-tattoo sa hindi pa nakikilalang customer at tattoo artist.

Makinis at malinaw rin ang mga bakas ng tinta at tila pati ang patilya na ninanais ng lalakeng naka-pula ay na-achieve nila.

Bukod sa 22 libong netizens na napahalakhak ng post na ito, may mga ilan ding nag komento at gumawa ng meme gamit ang naturang litrato.

Bacolod Tattoo Artist | Facebook

Bacolod Tattoo Artist | Facebook


Merong inihambing ang bagong tattoo na ulo sa numero 8 na bola ng bilyar. Meron din namang naglagay ng logo ni Batman sa bumbunan nito. Ang isa naman ay mukha raw itong maiksing bersyon ng buhok ng cartoon character na si Astroboy.

Dahil din daw sa pagkakadisenyo ng tattoo na ito ay siguradong iwas huli daw kung siya ay magmo-motor dahil parang naka-helmet na ito.

Bacolod Tattoo Artist | Facebook

Bacolod Tattoo Artist | Facebook


Kung susuriin ang Facebook page na Bacolod Tattoo Artist, mukhang lehitimo naman ito dahil sa mga ibinabahagi nilang mga larawan, post at video kung saan ay may mga magagandang tattoo design silang iginuguhit sa balat ng mga itinatampok na modelo.

Meron din silang mahigit na 16k followers at 5 star rating na tinatayang nagmula sa kanilang mga customers.

Bacolod Tattoo Artist | Facebook


Bubungad din sa iyo ang kanilang mensahe na, "Goodday Everyone, this is the page of Bacolod Tattoo Artist, we provide the best and safe tattoo for everyone here in Negros Island Region. Interested to have your best tattoos? Pm us for Inquiries."

Sa kabila nito ay hindi naman napangalanan ang tattoo artist at ang lalaking naka-pula. Wala ring nakasaad sa post kung totoong tattoo nga ba ang mga nasa litrato o parte lamang ng kanilang marketing strategy.