Staff ng isang sinehan, ibinunyag ang mga nakikita nyang ginagawa sa dilim ng mga manunuod habang pinapalabas ang pelikula - The Daily Sentry


Staff ng isang sinehan, ibinunyag ang mga nakikita nyang ginagawa sa dilim ng mga manunuod habang pinapalabas ang pelikula





Minsan ba ay binalak mo na o nasubukan mo nang gumawa ng milagro sa loob ng sinehan sa pag-aakalang walang nakakakita sayo? Kung oo, oras na para alalahanin mo kung ano ang ginawa mong iyon dahil baka gustuhin mo na lang lumubog o biglang maglaho ngayon sa kahihiyan matapos ang isiniwalat ng isang staff sa sinehan. 




Akala ng ilan, walang makakapansin sa kahit anong gawin nila palibhasa madilim sa lugar na ito, lalo na sa mga medyo tago na pwesto. Ang hindi nila alam, lahat ng galaw ng mga tao sa loob ng sinehan ay malinaw na nakikita ng mga nagtatrabaho dito — ito ang isiniwalat ng babae na nagtatrabaho sa isang movie theater. 




Sa nagviral na Tiktok video ng isang user na si @no1headache, ni-reveal ng naturang staff na may mga nakatagong CCTV sa loob ng mga sinehan at nakikita nila ang lahat nang mga pinaggagagawa ng mga manonood habang pinapalabas ang buong pelikula. Ang uri ng CCTV camera na ito ay may night vision capability umano na kayang kaya makita ng malinaw ang bawat galaw o pangyayari sa paligid kahit sa madilim na lugar ito nakatutok.


Kasama ng kanyang caption na “We see everything”, ang Tiktok video niyang ito ay umabot na sa 16.5 million views.





Aniya pa sa nasabing TikTok video, “When people come to the cinema with their sneaky link to do the nasty”, pagkatapos nito ay biglang pag-zoom nya sa security footage na nagpapakita nang live images sa loob ng sinehan.


Sa comment section naman ay ipinaliwanag din niyang, “We also have night vision goggles so we’ve seen it all.”


Samantala, isa ang sinehan sa mga nakaugalian na ng karamihan sa atin na puntahan para makipag-date. Kaya naman hindi na lingid sa atin na ang oras na ito ay ginagamit nang ilan upang gawing oportunidad kung saan sila maaring maglambing sa kanilang girlfriend o boyfriend, isang halimbawa na dito ay ang paghahawak-kamay. Ang iba ay nagagawa pang maka-score ng pasimpleng halik. Marahil ay dahil kahit hindi man ganun ka pribado ang lugar ay hindi rin naman ito ganoon ka-bulgar, kaya naman nagkakaroon sila ng lakas ng loob para sa PDA o Public Display of Affection.




Hindi naman makapaniwala ang ilan sa mga cinema goers, matapos nilang makita ang video na ito. 


Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


“I’m just concerned because I’ve been throwing popcorn at the back of people’s heads for fun.”


“You’re telling me the time I snuck in a large pizza they’ve been watching me eat???”


Samantala, may iba namang natuwa at nagkomentong, “This is actually good to know in case of emergencies. I honestly had no idea, I thought you could get away with murder in there lol.”