Lagayan ng skin care product, ginawang lunch box ng isang lalaki; viral - The Daily Sentry


Lagayan ng skin care product, ginawang lunch box ng isang lalaki; viral



Photo Credits: Kenneth Reconalla | FB

"Unang kagat, clear skin agad!"

Kinagiliwan sa social media ang post ni Kenneth Duclusa Reconalla kung saan ipinakita niya ang kanyang kakaibang diskarte upang hindi maaksaya ang mga lagayan ng skin care products na ginawa niyang baunan o lagayan ng kanyang pagkain.

Sa post kung saan niya ini-upload ang litrato ng baon niyang ulam na nakalagay sa tatlong basyo ng iba't ibang klaseng soothing gel tulad ng ice jeju aloe vera, papaya at aloe vera, na tunay namang nagdulot ng aliw sa marami.


Sinigurado naman ni Kenneth na malinis at hinugasan niya ang mga ito bago gamitin at lagyan ng pagkain.


Umani naman ng iba't ibang komento at opinyon ang naturang post na talaga namang nagdulot ng good vibes sa mga nakakita at nakabasa sa social media.

"Mas fiesta pa ang datingan pag nakumpleto mo na ang variants. May allocation na para sa salad at leche flan," nakakatuwang komento ni Rechell.


"Alagang aloe vera," ani ni Angelee.

"Lunchbox ideas," ayon kay Shien.

"Life hack," payo ni Jeannie.



Samantala, ang post ni Kenneth ay umabot na sa mahigit 16,000+ shares and counting sa Facebook.


Source: 1