Delivery rider nadiskubreng wala ng buhay habang nakasakay sa kanyang motorsiklo - The Daily Sentry


Delivery rider nadiskubreng wala ng buhay habang nakasakay sa kanyang motorsiklo



Nakakapanlumo ang sinapit ng isang delivery rider matapos itong mawalan ng buhay dahil umano sa sobrang pagkapagod.
Photo credit to the owner

Nadiskubre ang katawan ng rider na wala ng buhay habang nakasakay sa kanyang motorsiklo nitong November 1.

Sa Facebook post ng netizen na si LA Ocampo, ibinahagi nito ang larawan ng delivery rider na kinilalang si Noel Oscote.

Makikitang nakahiga si Oscote sa upuan ng kanyang motorsiklo na nasa tabi ng kalsada sa United St., Barangay Kapitolyo sa Pasig City.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Isa umanong Lalamove delivery rider ang lalaki.

Ayon kay Ocampo, umaga hanggang gabi nagtatrabaho si Escote, umulan man o umaraw para sa kanyang pamilya.

Pinayuhan ni Ocampo ang mga delivery rider na huwag abusuhin ang sarili at magpahinga rin kung kinakailangan.

Narito ang buong post:

“R,I,P sau paps,,,nkakalungkot man icipin pero sumabay kapa sa nov,1 sana pinahinga mo nlng sa bahay nyo,,,sa mga kapwa ko delivery rider kpag hndi na kaya ng katwan at nkakaramdam na ng pagod mas mabuting ipahinga nlng,,,saludo aq sau paps kumakayod ka pra lng my maiuwing pera at may ipakain sa pamilya mo,,,sa pamunuan ng lalamove sana mpansin nyo din si kuya,,,condolence din sa pamilya mo kuya,,,sana alam na nila qng anong nangyri sau ngaun,,,,”


***