Larawang ipinakita ni Gloria Romero noong siya ay dalaga pa, pinusuan at hinangaan. - The Daily Sentry


Larawang ipinakita ni Gloria Romero noong siya ay dalaga pa, pinusuan at hinangaan.



Sino nga ba hindi nakakakilala sa batikang aktres na si Gloria Romero? Maliban sa husay na pag-arte nito ay lubos siyang hinangaan dahil sa taglay niyang kagandahan.

Kaya nga ng ipakita nito sa social media ang kanyang larawan noong siya ay dalaga pa ay marami ang napanganga sa dalisay na hitsura ni Gloria Gella.




Sa Denver, Colorado lang naman ipinanganak noong Desyembre 13 1933 ang lola niyo. Anak ng Amerikanang si Mary Borrego at isang Pinoy mula Pangasinan na si Pedro Galla.

Isinilang man sa ibang bansa, lumaki naman at nakapagtapos ito ng pag-aaral sa Pilipinas. Bata pa lang ay kapansin-pansin na ang angking kagandahan ni Gloria at gaya nga ng sinasabi ng marami ay madali itong nakapasok sa mundo ng showbiz sa edad na 19 taong gulang.

Gloria Romero | Public Photos Facebook

Gloria Romero | Public Photos Facebook


Dedikasyon sa trabaho ang naging puhunan nito bukod sa taglay niyang husay at ganda. Kya naman mula noon ay sunod-sunod na proyekto ang nagawa nito na nagmula sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Hindi mabilang na mga parangal ang napanalunan nito sa kanyang mahigit 60-taong pananatili sa industriya. Huling namang napanood si Gloria sa TV series na "Daig kayo ng lola ko" ng GMA 7.

Gloria Romero | Public Photos Facebook

Gloria Romero | Public Photos Facebook


Para sa kasalukuyang henerasyon, ang makita ang mga lumang larawan ni Gloria ay nagsilbing pagbabalik tanaw sa mga mahuhusay na aktres at magagandang mukha ng mga sinaunang artista.

Ang litrato noong siya'y dalaga pa ay napuno ng papuri at marami ang nakapagsabing kahit kailan ay walang makakatalo sa natural na kagandahan.

"Truly Gloria Romero is the epitome of class beauty and simplicity. There's also kindness and humility which you won't see in most of the stars now a days." -mula sa isang netizen.

Gloria Romero | Public Photos Facebook

Gloria Romero | Public Photos Facebook