
Ito ang matinding batikos na binitiwan ni labor leader Atty. Luke Espiritu laban sa pamilya Duterte habang nagpapatuloy ang usapin tungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Espiritu, hindi lamang aniya ang pagpapatalsik kay Sara Duterte ang mahalaga, kundi ang tuluyang pagkawala ng impluwensiya ng pamilya Duterte sa politika ng bansa.
“Importante sa akin hindi lang ma-impeach si Sara kundi absolutely burahin ang Duterte virus na ’yan sa ating lipunan,” pahayag niya.
Giit pa niya, habang nananatiling makapangyarihan ang mga Duterte sa politika, patuloy umano itong nagdudulot ng pagkakahati-hati at suliranin sa bansa.
“Hangga’t nandiyan ’yan, panggulo ’yan sa Pilipinas at ilulugmok niyan ang ating lipunan sa lusak, sa basura,” dagdag niya.
Sa parehong panayam, inusisa rin ni Espiritu ang kakayahan ni Sara Duterte na mamuno sa bansa at iginiit na panahon na upang wakasan ang impluwensiya ng kanilang pamilya sa pampublikong buhay. See less
PANOORIN ANG VIDEO NG KANYANG PANAYAM:
