
Nagpahayag si Sen. Joel Villanueva ng kahandaang dumalo sa anumang special session ng Senado upang maipagpatuloy ang pagtalakay sa mga mahahalagang panukala at usaping naantala dahil sa nagpapatuloy na sigalot sa Mataas na Kapulungan.
Sa isang video message na ipinalabas sa livestream ng Jesus Is Lord Church Worldwide nitong Linggo, Hunyo 14, binigyang-diin ni Villanueva na hindi dapat manaig ang alitan sa Senado kung kapakanan ng mamamayan ang nakataya.
Matatandaang kabilang si Villanueva sa grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi nakadalo sa mga huling sesyon bago ang sine die adjournment, kasunod ng mga kontrobersiya at tensyong sumiklab matapos ang pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada.
WATCH FULL VIDEO:
