Lalaki, ibinahagi ang karanasan tungkol sa kanyang mapagdudang girlfriend - The Daily Sentry


Lalaki, ibinahagi ang karanasan tungkol sa kanyang mapagdudang girlfriend



Litrato mula sa Cladge / Facebook
Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang post ng isang lalaki na si Cladge sa kaniyang Facebook account matapos ipakita ang ilan sa screenshot ng kaniyang conversation sa kaniyang girlfriend.

Makikita sa mga screenshots ang ilang litrato na ipinadala ng lalaki sa kaniyang kasintahan pati na rin ang naging reakyon nito ukol sa mga litratong kaniyang ipinadala.


Makikita din sa mga larawan na tila nasa isang kwarto ang lalaki na kung saan siya ay tinanong ng kaniyang kasintahan kung bakit siya nasa ibang kwarto at hindi naman nila kama kung saan nakahiga ang lalaki.

Litrato mula sa Cladge / Facebook
Sa susunod na larawan ay ipinakita naman ng lalaki na kasama niya ang isang babae at sinabi nito na siya ay nagpapafacial lamang. Sa kasunod naman ay ipinatawag ng kaniyang girlfriend ang manager upang malaman kung ang kaniyang boyfriend nga talaga ay nagpapafacial o hindi.

Litrato mula sa Cladge / Facebook

Litrato mula sa Cladge / Facebook

 Ngunit, kahit na binigyan na ng lalaki ang kaniyang kasintahan ng larawan kasama ang manager kung saan siya nagpafacial, nagduda pa din ito at sinabing kaibigan lamang niya iyon at ipinapatawag na lamang dito kung asan ang may-ari ng establisyemento.

Litrato mula sa Cladge / Facebook

Ngunit, kahit mayroon na silang larawan, makikita pa din na hindi naniniwala ang babae at nanghihingi pa ng iba pang katibayan dito.


Sa dulo ng kanilang conversation, makikita na sinabi ng netizen na ipapakita niya rin dito ang mga customer kung saan siya nagpapafacial para naman siya ay maniwala at hindi na magduda.

Litrato mula sa Cladge / Facebook
Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol dito. Ang ilan sa kanila ay nagsasabi na masyadong OA ang babae at tamang hinala, habang marami naman sa ating mga netizens ang ginawang katatawanan ang nasabing viral post ng lalaki. Ang ilan naman sa kanila ay minention ang kaniyang mga kasintahan sa comment section ng nasabing post.

Sa ngayon mayroon ng mahigit na 36,000 reactions, 15,000 comments, at 61,000 shares ang nasabing viral post.

Source: Cladge / Facebook