Isang babae ang nagpanggap na nahihilo upang maiwasan ang pagbabayad sa isang restaurant - The Daily Sentry

Wednesday, February 14, 2018



Isang babae ang nagpanggap na nahihilo upang maiwasan ang pagbabayad sa isang restaurant



Rozzete C. Bartolome, photo compiled from Facebook
Si Rea Ramirez Florentino na isang manager sa Pancake House, kamakailan ay nag-post sa Facebook tungkol sa isang bagong modus na ginagawa sa mga restaurant sa Laguna.

Ayon sa kanyang post, “Sa lahat ng kaibigan ko na nasa food industry, Mag ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko yan! Modus nya mag order ng marami at sasabihin darating asawa nya.”

Ayon sa post ni Florentino, ang suspek ay mag-oorder ng maraming pagkain at magpapanggap na naghihintay siya sa kanyang asawa. Pagkatapos, sasabihin niya na babayaran ito kanyang asawa.

Sa sandaling naubos niya na lahat ng pagkaing inorder, siya ay magpapanggap na nahihilo o magpapanggap na nakatulog.

Ang suspek ay halos ginawa ang modus na ito sa dalawang restaurant: Max's at Pancake House sa Laguna.

Ang nasabing suspek ay kinilala sa pangalang Rozzete C. Bartolome, 24 taong gulang.

Siya ay iniulat sa mga awtoridad at sa kalaunan ay nahuli at kinasuhan na rin.
Rozzete C. Bartolome, photo from Facebook
Narito ang kabuuang pahayag ni Rea Ramirez Florentino sa kanyang Facebook account:

“Sa lahat ng kaibigan ko na nasa food industry, Mag ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko yan! Modus nya mag order ng marami at sasabihin darating asawa nya. Kapag nakakain na magdrama na sya na nahihilo at magtulog tulugan. Ending walang pambayad! Maxs at Pancake na nabibiktima nya.”
Photo courtesy from Rea Ramirez Florentino's Facebook account
Source: msn.com