Watch: Tony Cojuangco's partner Gretchen Barretto, pinagtawanan ang liham ng netizen na humihingi ng tulong - The Daily Sentry

Friday, June 8, 2018



Watch: Tony Cojuangco's partner Gretchen Barretto, pinagtawanan ang liham ng netizen na humihingi ng tulong



Photo from PEP
Isang video kung saan pinagtatawanan ni Gretchen Barretto, kasama ang dalawa pang babae, ang isang liham mula sa nangangailangan ng tulong ang kumakalat ngayon sa social media.

Ang nagbabasa ng naturang liham ay ang kasama nitong si Patty Pineda na kilala bilang isang travel expert.

Si Barretto ay live-in partner ng kilalang billionaire business tycoon mula sa mayamang angkan ng mga Cojuangco na si Tony Boy.

Malaki ang agwat ng edad ni Tony Boy at ng matagal na nyang common-law partner na si Gretchen. May nag-iisang anak na babae ang dalawa na pinag-aral sa ibang bansa, si Dominique Cojuangco.

Gretchen Barretto, photo from Google
Samantala, base sa video, nanggaling ang nasabing sulat mula sa isa sa mga maraming taong humihingi ng tulong kay Gretchen. Matagal-tagal na ring ginagawa ng aktres ang pagtulong sa mga netizen na lumalapit sa kanya.

Ibinabahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang mga litrato ng mga taong natutulungan nya. Ang mga sumusulat sa aktres kadalasan ay nagpapasaklolo para sa kanilang mga batang anak, mga lolo o lola, o mga kamag-anak nila na may sakit.

Sa clip na kumakalat ngayon sa Facebook mula sa live Instagram video ni Barretto, makikita na binabasa ni Patty Pineda ang sulat.
Photo from Google
Nu'ng nasa punto na na ang sinasabi ni Pineda ay "..my eldest po this January has been diagnosed with 'butas sa puso'. Been sending..", napatawa ang tatlo ngunit agad namang nilang napigilan.

Subalit nang magpatuloy na si Pineda sa pagbabasa nito ay humagalpak na ang tatlo sa kakatawa matapos ang parte kung saan nabasa sa sulat ang "Been sending my request for my brother who had to..".

Nagpatuloy ang kasama ni Gretchen sa pagbabasa hanggang muli itong sumabog sa kakatawa pagdating sa bandang, "But since it's Mother's Day, ang request ko po sana Ensure milk".

At saka muli pang humagalpak ng tawa ang aktres at ang kanyang mga kasama nang dumiretsong basahin ng travel expert ang nasabing liham kung saan binanggit nito na ang Ensure milk ay para sa 'mother-in-law' ng letter sender.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
Screengrab from Facebook
Screengrab from Facebook
Screengrab from Facebook
Screengrab from Facebook
Screengrab from Facebook
Screengrab from Facebook
Panoorin ang video dito at kayo na ang bahalang humusga:


Screengrab from Facebook
Source: Harvey Canencia Balicog