Bangs Garcia, Namumuhay na parang Isang Reyna sa UK - The Daily Sentry

Monday, September 9, 2019



Bangs Garcia, Namumuhay na parang Isang Reyna sa UK



Pinagsamang larawan mula sa Google
Hindi madali ang maging isang artista. Ilan sa mga kailangan mong iwan sa pagpasok mo sa showbiz industry ay ang iyong pribadong buhay. Kadalasan, mawawalan ka ng oras sa iyong pamilya at sa iyong sarili dahil sa dami ng iyong proyekto. Magiging limitado rin ang iyong mga galaw dahil nakatutok sa iyo ang kamera sa bawat pangyayari sa iyong buhay.

Kaya naman, kahit masarap maging artista at malaki ang perang kinikita, marami nang mga dating artista ang piniling iwan ang showbiz industry para mamuhay ng pribado at bumuo ng kanilang sariling pamilya nang walang kamerang nakatutok sa kanila.

Sabagay, hindi naman kasi talaga mabibili ng pera ang mga simpleng kasiyahan na hinahangad mo sa buhay katulad na lamang ng kapayapaan at isang masaya at tahimik na pamilya. Isa sa mga artistang nilisan ang showbiz upang mamuhay ng tahimik at pribado kasama ang pamilya ay ang dating sexy star na si Bangs Garcia.
Larawan mula sa Philippine News Feed
Pinanganak bilang si Valerie Bangs Garcia, nakilala siya sa industriya ng showbiz bilang si Bangs Garcia na isang sexy star. Dahil sa ganda ng kaniyang pangangatawan at hitsura, marami siyang naging proyekto,programa, at mga pelikulang nagawa. Naging modelo rin siya ng iba’t-ibang mga produkto.
Larawan mula sa Female Network
Ilan sa kaniyang mga naging proyekto ay nang makasama siya sa “Let’s Go,” “Katorse,” at “Shake, Rattle and Roll.” Maganda ang takbo ng karera noon ni Bangs Garcia lalo pa’t nasa ABS-CBN siya. Ngunit bilang isang tao, nangarap pa rin si Bangs na magkaroon ng tahimik, pribado at komportableng pamumuhay kaya naman nilisan niya ang showbiz.

Noong 2016 ay ikinasal siya sa kalahating Pinoy at kalahating Briton na si Lloyd Birchmore na isang negosyante. Bagama’t sa huwes ikinasal noong 2016, sinundan naman nila ito ng isang beach wedding sa boracay noong 2017.
Larawan mula sa ABS-CBN
Larawan mula sa OMG Balita
Isang taon matapos ang kanilang beach wedding, nagdalang tao na si Bangs ng kanilang panganay na anak. Sa kasalukuyan ay nakatira si Bangs at ang kaniyang pamilya sa United Kingdom. Bilang isang pamilya, mahilig silang bumyahe sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Maliban sa kinikita ng kaniyang asawa, naisipan ni Bangs na magkaroon ng online shop kung saan doon siya nagbebenta ng mga damit at mga “artworks” na may iba’t-ibang quotes.
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Isa lamang itong magandang halimbawa na sa kabila ng pera ng kaniyang asawa, gusto pa rin niyang kumita upang kahit papaano ay makatulong sa kaniyang pamilya.

Source: OMG Balita