Manny at Jinkee Pacquaio Pinakilig ang mga Netizens sa kanilang bagong Video, Ka Sweet Ba Oi - The Daily Sentry

Monday, September 9, 2019



Manny at Jinkee Pacquaio Pinakilig ang mga Netizens sa kanilang bagong Video, Ka Sweet Ba Oi



Pinagsamang larawan mula sa OMG Balit at Instagram
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kanilang napanood. Isang video ang ibinahagi ni Jinkee Pacquaio, asawa ng tanyag na boksingero na si Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account na kanyang pinamagatan na “Ka sweet naman oi”. Makikita ang gaan ng loob ng mag-asawa sa isa’t isa habang naglalakad-lakad sila.

Matutunghayan rin sa maikling video ang pag-uusap ng mag-asawa kung saan nagpaplaplano sila para sa isang maaring gusaling ipapatayo nila sa mga inhinyerong kasama nila. Ang video ay ibinihagi noong Setyembre 8, 2019, Linggo.

Labing-siyam na taon nang kasal si Manny at Jinkee Pacquiao, nadadaanan man ng ilang pagsubok ay mas tumitibay pa ang kanilang pagsasamahan. Mapapansin rin ang pagtatag ng kanilang pagsasamahan. Makikita pa rin ang kanilang matamis na pagsasamahan sa binigyang pansin na video na ito.
Larawan mula sa OMG Balita
Kaya naman nakakolekta ang video na ito ng maraming papuri gaya ng: “You two look adorable,””Lovely and beautiful couple! ,” At “Beautiful couple. Nakakakilig kayo.”
Matatandaan ang kwento ng kanilang pag-iibigan na nagsimula nang ipinakilala ng dating coach ni Manny Pacquio na siyang tito rin ni Jinkee ang dalawa sa isa’t isa. Nagtatrabaho noon sa isang mall bilang isang cosmetologist si Jinkee nang sila ay magkakilala.

Hindi pa tanyag si Manny Pacquiao noong mga panahon na iyon. Matapos ang pitong buwan ay napagdesisyunan nilang magpakasal noong 2000 at namunga ito ng limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Lingid sa kaalaman ni Jinkee na ang kanyang asawa ay magiging isang tanyag na boksingero. Aniya niya hindi tumatak sa kanyang isipan na boksingero ang manliligaw niya noon. Aniya niya ay simpleng lalaki lang ang pagkakilala nito sa boksingero niya.
Larawan mula sa OMG Balita
Larawan mula sa OMG Balita
Sa usapin naman ng pagiging tanyag at pagkaubos ng oras nito sa trabaho, sabi ni Jinkee, hinahayaan niya lang ang asawa na asikasuhin ang kanyang tagahanga. Nag-aantay lamang siya kung kailan niya pwede masolo ang asawa.
Larawan mula sa OMG Balita
Screenshot mula sa Instagram Video
Aniya niya pa, pinaparating niya ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang tanyag na boksingerong asawa sa papamagitan ng pagsabi ng “Good luck” kahit magtitraining pa lang ito.

Source: OMG Balita, Instagram