Canada naghahanap nang 2000 na Filipino Skilled Workers Taon-taon na may sahod na humigit kumulang PhP80,000 - The Daily Sentry

Sunday, September 8, 2019



Canada naghahanap nang 2000 na Filipino Skilled Workers Taon-taon na may sahod na humigit kumulang PhP80,000



Photos compiled from Google
Ang Yukon, Canada at Philippines ay pumirma ng kontrata noong nakaraang linggo para sa mga 2000 mga Filipino skilled workers na magttrabaho taon-taon na malaking tulong para sa mga Filipino na naghahanap ng malaki at magandang trabaho.

Ang Yukon ay teritoryo na matatagpuan sa hilagang parte ng Canada na mayroon lamang 20,000 na populasyon sa kapital nilang syudad at ito ang White Horse.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello “Underpopulated talaga. Imagine city 20,000. It is even smaller than one of the barangays here”
Labor Secretary Silvestre Bello, photo from Inquirer
“Grabe ang industriya doon, mining and of course yung salmon” dagdag pa ni Bello.
Yukon, Canada photo from ThoughtCo
Ang Yukon ay nangangailangan ng iba’t ibang skilled workers gaya ng nurses, caregivers, engineers, heavy equipment/machine operators, chefs, at teachers. Ang kanilang minimum salary na aabot sa PhP80,000 at maaaring umabot nang isang daang libo pataas depende sa iyong posisyon na makukuha, ayon kay Secretary Bello.

Dahil dito kinausap ng Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na bilisan ang pag proseso ng mga kwalipikadong mga aplikante upang makapagtrabaho na ang mga kapwa natin Filipino.

Sabi pa ni Bello “Hindi na natin hihingin yung template contract kasi nakikita naman naming na well-protected, well-paid, and well respected.”
Photo screenshot from TV Patrol video
Isang Filipino nurse ang interesado sa trabahong inaalok tulad ng ganito. Sabi ni Michael Domingo, isang nurse sa Japan, maganda daw ang mga benefits at pwede mong madala ang iyong pamilya dahil mabilis naman daw ang processing.
Photo screenshot from TV Patrol video
Ang proseso na hahawakan ng gobyerno sa gobyerno kung saan ang POEA ang hahawak sa mga aplikasyon and walang placement fees na babayaran na labis naman ikinatuwa ng mga Filipino na gusting magtrabaho sa Canada para kumita.

Sa ngayon, ang mga job orders ay patuloy paring inaayos at pinoproseso at pinapayo na maghintay lamang sa anunsyo nang POEA website para pa sa mga karagdagang impormasyon tungkol dito.

Panoorin ang video:
Source: TV Patrol