Isang Dalaga ang Dinala sa H0spital Dahil sa Sobrang Milktea at Maaanghang na mga Pagkain - The Daily Sentry


Isang Dalaga ang Dinala sa H0spital Dahil sa Sobrang Milktea at Maaanghang na mga Pagkain



Photos compiled from Google and Jeff Nortez Serrano/Facebook
Linggo ng hapon ng magmilktea ang dalaga na nagngangalan na Jeff Nortez Serrano kasama na dito ang pagkain niya lagi na hindi mawawalan nang “chili sauce” “chili oil” o kahit ano basta maanghang ang kanyang pagkain dahil gusting gusto niya ito simula dati pa.

Ngunit, linggo ng gabi bigla na lamang daw sumama ang kanyang pakiramdam ngunit ipinagwalang bahala niya lamang ito dahil maaaring pagod lamang daw ito sa trabaho. Dumating ang mga araw noong Lunes, umuwi ang dalaga na mataas ang lagnat at agad naman itong uminom ng gamot upang mabawasan ang kanyang pagkahil0 at kanyang ipinahinga muli ang sarili.

Kinagabihan, bigla nalamang sum4kit ang kanyang bituka (upper middle) pataas sa kanyang dibdib at nahihirapan na itong huminga habang namumutla at ramdam na ramdam ang s4kit ng kanyang bituka. Akala niya lamang noong una na ito ay he4rtburn lamang ngunit hindi na niya kaya pang indain ang s4kit na nadarama.
Larawan mula kay Jeff Nortez Serrano/Facebook
Dali dali itong isinugod sa ER sa Marikina Valley, doon niya lamang natuklasan na natrigg3red umano ito dahil sa sobrang pag inom ng milktea at pagkain ng maaanghang na pagkain. Ayon sa dalaga first time niya raw ang mapunta sa ER at ayaw na niya itong muling maranasan. Ininj3ction nalamang ito upang maibsan ang s4kit na nadarama dahil hindi na tumatalab ang oral med1cine sa dalaga kaya pumayag na ito na magpa inject nalamang dahil sa sobrang s4kit na nararanasan sa gabing iyon.
Larawan mula kay Jeff Nortez Serrano/Facebook
Madaling araw na ng makalabas ang dalaga sa oras na 4:30 A.M at nahihil0 parin ito hanggang sa kanyang pag-uwi.

Nahihirapan din ito na kumain dahil parang nabibigla daw ang kanyang tiyan sa tuwing ito ay kakain.

Nagpasalamat naman siya sa Diyos dahil agad na naagapan at nakita agad sa kanyang check-up ang resulta na kung hindi naagapan maaring magdulot ng pagkagasgas nang kanyang sikmura. Sa ngayon, marami ng mga bawal na pagkain sa dalaga ngunit mas maganda na raw ito kaysa sa maulit pa ang nangyari.

Nagpaalala ito na ingatan ang ating mga sarili dahil hindi daw lahat ng masarap kainin pwede sa katawan natin.

Narito ang mga komento ng mga netizens:

Source: Jeff Nortez Serrano/Facebook