Ethel, inireklamo ang 1 year na delayed talent fee sa Minute To Win It; Luis, nag-react - The Daily Sentry


Ethel, inireklamo ang 1 year na delayed talent fee sa Minute To Win It; Luis, nag-react




Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang komedyanang si Ethel Booba.

Umani ng kontrobersya ang mga bago nitong pasabog dahil sa kanyang sunod-sunod na tweet.

Gamit ang pamoso nyang linya na 'charot!' sa bawat dulo ng kanyang tweet, nagpatama ang komedyante sa mga shows kung saan matagal na raw syang nakapag-guest ngunit nagkaron ng problema.

Sa kanyang twitter account, pinasaringan ito ni Booba dahil matagal na nya diumanong hinihintay ang kanyang talent fee ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

Ayon sa aktres, isang taon nang delayed ang tinutukoy nyang talent fee samantalang ang isa ay limang buwan na.
Screengrab from KAMI
Dahil sa hamon ng isang netizen, nauna nang ibinulgar ni Booba na isa sa mga ito ay ang show ng anak ni Edu Manzano at Vilma Santos na si Luis Manzano, ang Minute To Win It.
Screengrab from KAMI
Kasunod nito ay ang show ng kanyang kaibigan mismo na si Vice Ganda, ang Gandang Gabi Vice.
Screengrab from KAMI
Hindi naman pinalampas ni Luis ang tweet ni Ethel, kung kaya sumagot ito sa hinaing ng nasabing komedyante. 
Screengrab from KAMI
Kung saan ni-replyan din naman ito ni Booba.
Screengrab from KAMI
Naglabas naman agad ito ng statement matapos magreply sa tweet ng Minute To Win It host. 
Screengrab from KAMI
 Source: KAMI