Mister ni Dawn Zulueta, nagbigay ng mamahaling motor sa isang aktor - The Daily Sentry


Mister ni Dawn Zulueta, nagbigay ng mamahaling motor sa isang aktor




- Binigyan ng mamahaling motor ng mister ni Dawn Zulueta ang isang sikat na aktor

- Lumutang ang balita dahil sa impormasyon na galing mismo sa aktor

- Umani ng iba't-ibang reaksyon ang nasabing post

Ayon sa balita mula sa KAMI, napag alaman nitong nagbigay ng mamahaling motor ang mister ni Dawn Zulueta sa sikat na aktor. Ang nasabing aktor ay walang iba kung hindi ang 'Ang Probinsyano' action star na si Coco Martin.

Dagdag pa ng report, ayon pa kay Aris Ilagan ng Top Gear Philippines, ito ang kauna-unahang big bike ng aktor.

Ang impormasyong ito diumano ay kay Coco nanggaling nang sila ay mag-usap.

Base pa sa KAMI, nadiskubre nilang noong 2014 pa ibinigay ng mister ni Dawn na si Anton Lagdameo ang motor sa aktor.

Naibahagi pa raw ito ni Coco kay Kris Aquino sa kanyang interview sa dati nitong programang 'Kris TV.'

"Basta binigay nila siguro dahil nakita niya na very supportive talaga ako sa family nila." sabi pa ni Coco.

Napa-"ang sweet naman" ang Queen of All Media nang malaman ito.

Matatandaang nagkasama sina Zulueta at Martin sa teleseryeng 'Walang Hanggan' noong 2012.


Source: KAMI