Pinoy Celebrities na Nagmamay-Ari ng Mga Mamahaling Sasakyan - The Daily Sentry


Pinoy Celebrities na Nagmamay-Ari ng Mga Mamahaling Sasakyan



Pinagsamang larawan mula sa Youtube
Karamihan sa ating mga paboritong artista ay kilala din sa pagkakaroon ng mamahalin at bonggang sasakyan. Sa dami din kasi ng kanilang kinikita na pera sa kanilang mga proyekto, hindi na nakakapagtaka para sa atin na talagang kaya nilang pag gastusan ng malaking halaga ang maganda at mabilis na sasakyan.

Narito ang ilang artista na mayrong pinakamahal at pinakamagandang sasakyan:

Coco Martin
Larawan mula sa Youtube
Si Coco Martin ay mayroong isang Jeep Call of Duty-MW3 na nagkakahalaga mula $37,295 hanggang $40,870. Siya din ay mayroong BMW na nasa $30,025 hanggang $103,225. Ang "Ang Probinsyano" star din ay nakabili ng isang Dodge Challenger na may presyo na nasa $26,995. Si Coco din ay nagmamay-ari ng isang Mini Cooper na may halagang nasa $31,800 hanggang $36,600.

Anne Curtis
Larawan mula sa Youtube
Si Anne Curtis ay nagmamay-ari ng isang Audi Q5 na may halagang nasa $42,475.

Aljur Abrenica
Larawan mula sa Youtube
Si Aljur Abrenica naman ay nakabili din ng isang Dodge Challenger na may halagang $28,090.

Jericho Rosales
Larawan mula sa Youtube
Isang A '60era Ford Mustang naman ang nabili ni Jericho Rosales at ito ay nagkakahalagang $74,900. Mayroon din siyang isang E28 BMW 5 series na nasa $90,930.

Ronnie Alonte
Larawan mula sa Youtube
Si Ronnie Alonte naman ay nakabili ng kaniyang Toyoto 86 na nagkakahalagang $27,150.

Jake Cuenca
Larawan mula sa Youtube
Si Jake Cuenca naman ay nakabili ng isang Dodge Challenger R/T na nasa $26,995 hanggang $62,495.

Willie Revillame
Larawan mula sa Youtube
Ang "Wowowin" host naman ay mayroong isang Lamborghini Gallardo na nagkakahalagang nasa $181,900 hanggang $259,100. Si Willie din ay nakabili ng isang Bentley na nasa $180,195. Mayroon din siyang Ferrari na nagkakahalagang $188,425 hanggang $400,000.

Isabelle Daza
Larawan mula sa Youtube
Isang Aston Martin naman ang pagmamay-ari ni Isabelle Daza na kaniyang nabili sa halagang nasa $118,650 hanggang $200,000.

Toni Gonzaga
Larawan mula sa Youtube
Isang BMW 316i naman ang nabili ni Toni Gonzaga at ito ay nagkakahalaga ng nasa $34,900. Mayroon din siyang isang Ford E150 na nasa $28,600 hanggang $32,675. Si Toni din ay nagmamay-ari ng isang Ford Fiesta na nagkakahalagang nasa $14,990. Isa ding Nissan Patrol ang kaniyang nabili noon na may halagang $52,290.

Vic Sotto
Larawan mula sa Youtube
Si "Bossing" naman ay mayroong isang Ferrari FF na nasa $230,000.  Isa ding Mustang GT ang kaniyang nabili na may halagang $37,195. Isa ding Audi Q3 ang kaniyang pagmamay-ari na kaniyang nabili sa halagang $37,195.

Enrique Gil
Larawan mula sa Youtube
Larawan mula sa Youtube
Si Enrique Gil naman ay mayroong Camaro na nasa $37,900 hanggang $61,140. Ngunit ang kaniyang dilaw na Camaro ay napalitan ng berde na Camaro. Siya din ay nakabili ng isang Dodge Nitro na nagkakahalagang $33,320.

Gerald Anderson
Larawan mula sa Youtube
Isang Dodge Charger RT naman ang mayroon kay Gerald Anderson at ito ay nasa $52,000.

Angel Locsin
Larawan mula sa Youtube
Isang 1970 Chevrolet Chevelle ang nabili ni Angel Locsin na nagkakahalagang $62,900. Mayroon din siyang isang Ford E450 na nasa $33,320.

Daniel Padilla
Larawan mula sa Youtube
Ang "Teen King" naman ay mayroong isang Corvette Stingray na kaniyang nabili sa halagang $65,900. Siya din ay nakabili ng isang Dodge Challenger sports car na may halagang nasa $27,000.

Dingdong Dantes
Larawan mula sa Youtube
Si Dingdong Dantes naman ay mayroong isang Maserati Granturismo na may halagang nasa $65,900.

Arnel Ignacio
Larawan mula sa Youtube
Isang Ferrari naman ang nabili ni Arnel Ignacio na nasa $188,425 hanggang $400,000. Siya din ay nagmamay-ari ng isang Porsche na may halagang nasa $46,475 hanggang $200,000.

Manny Pacquiao
Larawan mula sa Youtube
Si Pacman naman ay nakabili ng isang Ferrari 458 Italia na ang presyo ay nasa $230,000. Siya din ay mayroong isang Porsche Cayenne Turbo na may halagang nasa $158,295. Isang Mercedes SLK na ang presyo ay $43,550 hanggang $67,300. Ang boxer at senator din ay nagmamay-ari ng isang Lincoln Navigator na may halagang nasa $63,515 hanggang $76,970. Mayroon din siyang isang Mitsubishi Pajero V6 na nasa $64,240.

Marian Rivera
Larawan mula sa Youtube
Isang Mercedes-Benz GLK 220 naman ang pagmamay-ari ni Marian Rivera at ito ay nasa $37,000.

Source: Youtube