10 Pinakamagagandang Teenage Celebs sa Pilipinas - The Daily Sentry


10 Pinakamagagandang Teenage Celebs sa Pilipinas



Larawang pinagsama mula sa Google
Masasabi na ang showbiz industry ay talagang tahanan ng maraming mga talentado at magagandang mga artista. Ang mga batang aktres naman ngayon ay isa din sa mga artista na talagang pinagkakaguluhan at nagiging inspirasyon ng madla dahil sa angking ganda at talento ng mga ito.

Narito ang 10 pinakamagagandang teenager na artista sa Pilipinas:

10. Franchesca Salcedo
Larawan mula sa Facebook
Si Franchesca Salcedo ay isang Filipina aktres. Nagsimula siyang sumikat ng gampanan niya ang papel bilang Cruzita Aldama SantibaƱez  sa serye na Marimar.

9. Brenna Garcia
Larawan mula sa Instagram
Si Brenna Garcia ay isang Filipina actress, commercial model, at dancer. Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz industry ng makuha niya ang Grand Girl Kiddie Superstar sa Star Circle Quest 2011. Siya din ay naging isa sa mga cast kiddie gag show ng ABS-CBN tuwing Linggo na Goin' Bulilit.

8. Xyriel Manabat
Larawan mula sa Definitely Filipino News
Si Xyriel Manabat ay isang Filipina actress na kilala sa mga papel na kaniyang ginampanan sa ilang teleserye. Nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz industry ng siya ay magwagi bilang 3rd Runner-Up ng Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol.

7. Andrea Brillantes
Larawan mula sa ABS-CBN
Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress at recording artist. Siya ay naging kilala ng gampanan ang papel bilang lead role ng primetime series na Annaliza. Siya din ay gumanap na sa ilang mga teleserye katulad ng E-Boy at Alyna.

6. Jillian Ward
Larawan mula sa Philippine Star
Si Jillian Ward ay isang  Filipina actress, commercial model, at singer. Siya ay kilala sa pagganap sa Sine Novela Trudis Liit bilang "Gertrudis "Trudis" Capili.

5. Belle Mariano
Larawan mula sa Facebook
Si Belle Mariano ay isang  Filipina actress. Sa edad na 9, siya ay nagkaroon ng mga supporting roles sa iba't ibang teleserye sa telebisyon. Siya din ay naging cast ng Goin' Bulilit.

4. Angelina Cruz
Larawan mula sa Facebook
Si Angelina Cruz ay naging kilala matapos maging viral ng kaniyang traveling and modeling pictures na kaniyang inu-upload sa kaniyang Instagram account.

3. Kate Valdez
Larawan mula sa GMA
Si Kate Valdez ay isang  Filipina actress na kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang exclusibong artista sa GMA Network. Kilala din siya sa pagganap bilang Violet sa Destiny Rose at bilang Mira sa Encantadia. Siya din ay gumanap bilang Natalie/Rosemarie sa Onanay.

2. Kyline Alcantara
Larawan mula sa Facebook
Si Kyline Alcantara ay isang  Filipina actress at singer. Naging kilala siya sa pagganap bilang kabiyak na kapatid ni Annaliza at ang kaniyang naging multi-layered  performance sa Kambal, Karibal. Siya din ay naging Internet sensation dahil sa kaniyang mga musical.ly compilations na video sa YouTube.

1. Ylona Garcia
Larawan mula sa Tumblr
Si Ylona Garcia ay isang  Filipina singer, actress at television personality. Naging kilala siya matapos maging isa sa mga housemat ng second special season ng reality show na Pinoy Big Brother sa ABS-CBN at siya din ay nag-wagi bilang first-runner up ng nasabing reality show.

Source: Youtube