Groom na Nakalimot Yata sa kanyang Mismong Kasal, Viral Ngayon sa SocMed - The Daily Sentry


Groom na Nakalimot Yata sa kanyang Mismong Kasal, Viral Ngayon sa SocMed



Larawang pinagsama mula sa Facebook
Siguro, kahit gaano ka pa naging abala sa preparasyon ng inyong kasal upang gumanda ang maging daloy nito at gaano pa ang naging pagpaplano mo para dito, hindi pa din maiiwasan ang mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari na nangyayari sa mga kasalan.

Ngunit, ang pangyayari na ito na nag viral ay talaga namang gumawa ng magaganda at nakakatuwang kwento na maaaring maibahagi tuwing anibersaryo ng bagong kasal na ito o di kaya ay maaari nilang balikan ang nakakatuwang pangyayari na ito sa hinaharap.

Sa isang maikling video clip na ibinahagi ni Aldrin Mat Acero Salazar na ni-repost ng Facebook page na Event Philippines, makikita na ang bagong kasal na ito kasama ang entourage ay naghahanda para sa kanilang pagkakataon para sa isang litrato pagkatapos ng seremonyas ng kasal. Ang kanilang photographer ay sinabi na gumawa sila ng isang wacky pose, ngunit, ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid imbis na sa kaniyang bride.


Sa likod ng camera, sinabi sa kanila ng photographer na kailangan nilang lumapit sa isa't isa at pagdikitan ang kanilang pisngi. Ngunit, ito ay nahinto ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito ang groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa bridesmaid.

Ang pangyayari ay nagdala ng katuwaan sa mga taong nakakita at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan niya ang kaniyang groom ng sila ay mag wacky pose.

Sigurado na ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutan ng bagong kasal at kanilang babalikan sa hinaharap. Maaari din nilang maikwento sa magiging anak nila ang nakakatuwang pangyayari na ito.

Nagbigay naman ang viral video ng saya at tuwa sa ating mga netizens. Sa katunayan, ito ay naging isa sa mga usapin sa social media at marami ding mga Facebook pages ang nag-repost ng nasabing viral video clip.

Narito ang mga komento ng mga netizens:

Source: Facebook