Annabelle Rama slams Gretchen Barretto, defends her daughter Ruffa Gutierrez - The Daily Sentry


Annabelle Rama slams Gretchen Barretto, defends her daughter Ruffa Gutierrez



Matapos tawagin ni Gretchen Barretto sa kanyang Instagram post ang aktres at beauty queen na si Ruffa Gutierrez na “sawsawera, to the rescue kaagad ang ina nitong si Annabelle Rama.
Annabelle Rama and Gretchen Barretto / Composite photos from MSN and Inquirer

Sa kanyang Instagram post, sinabihan ni Annabelle si Gretchen na kawawa ito at halos buong mundo raw ay isinusumpa na siya. 

“Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?”

Dagdag pa ni Annabelle, ang dapat raw kagalitan ni Gretchen ay ang nag-post ng picture nila ng boyfriend niya sa airport.

“Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa’yo ang comment?! Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane….”
Screencap from Fashion Pulis

Ang binabanggit ni Annabelle sa picture na boyfriend ni Gretchen ay si Atong Ang, kung saan makikitang tulog parehas ang dalawa habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
Photo credit to the owner

Nag-ugat ang isyu na ito matapos magkomento si Ruffa sa Instagram photo ni Julia.

Mensahe ni Ruffa: "Freshhhhhh (starstruck emojis)"

Hindi ito nagustuhan ni Gretchen at tinawag si Ruffa na Sawsawera. 

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more “Ruffy!! take it take it “WOW!!”

Ang “take it take it” na sinabi ni Gretchen ay sumikat nu’ng 1994 na panahon ng Metro Manila Film Festival scam.

Ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking eskandalo sa Philippine showbiz.

Sa awards night noong June 1994, minanipula ng talent manager na si Lolit Solis ang resulta ng Best Actor at Best Actress categories.

Sa halip na si Aiko Melendez ang nanalo sa Best Actress category, si Ruffa ang binasa ng presentor na si Miss Mauritius 1993 Viveka Babajee.

Kasama ni Viveka na nag-present ng award ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez at si Gretchen, na kitang-kita sa camera ang pagkagulat nang ibang winner ang inanunsiyo.

Sa Best Actor naman, imbes na si Edu Manzano ay si Gabby Concepcion ang idineklarang nanalo.

Prized talent noon ni Lolit si Gabby.

Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyaring scam, at naging star witness pa si Gretchen.

Kalaunan, isinoli nina Ruffa at Gabby ang kanilang awards.


***
Source: KAMI, PEP