Nanay inakalang nawawala ang anak habang nagsho-shopping; inabot ng antok at natutulog lang pala - The Daily Sentry


Nanay inakalang nawawala ang anak habang nagsho-shopping; inabot ng antok at natutulog lang pala



Screen grabbed copy from Ms. Judah's Facebook post

Para sa mga karamihan ng mga ina, tunay na bangungot ang bigla na lang mawala sa tabi ang anak habang namamasyal o nagsho-shopping.

Viral ngayon ang Facebook post ng isang netizen tungkol sa kanyang di malilimutang karanasan kasama ang kanyang mga anak habang nagsho-shopping sa isang home supplies store.

Ibinahagi ni Judah MJ Abonitalla ang kaniyang kwento tungkol sa biglang pagkawala ng kanyang anak habang sila ay nasa loob ng isang store sa Cagayan De Oro City.

Kwento niya na habang siya'y nagtitingin-tingin ng mga pang-party decors, napansin niyang wala na ang kanyang anak na si Zacc sa kinauupuan nito.

"I and the kids were window shopping while waiting for their Papa to arrive. While looking at the party decors I notice nga nawala si Zacc sa iyang gi lingkoran (sa knayang inuupuan) (Party Tables/Chairs)," saad niya.

Screen grabbed copy from Ms. Judah's Facebook post


Mabilis niyang hinanap ito sa lahat ng aisle ng tindahan, ngunit bigo siyang makita, at tanging ang pares lang ng tsinelas ng anak niya ang kanyang nakita na siyang nagpapalala ng kanyang kaba.

"I looked at every aisle searching for him. And I saw his pair of slippers juscoooo!," dagdag niya.

Agad niyang pinuntahan kung saan naroon ang tsinelas ng anak ng may bigla siyang narinig na "ang sarap naman matulog dito" at doon ay nakita niya si Zacc na nakahiga sa ibabaw ng mga paninda.

Kasabay ng kaniyang lubos na pag-aalala, natawa na lang si Judah nang makitang ang anak sa inabot ng antok sa gilid ng aisle.

Ito ang buong kwento: 


Photo from  from Ms. Judah's Facebook post


Earlier at Mr.DIY Cogon. I and the kids were window shopping while waiting for their Papa to arrive. While looking at the party decors I notice nga nawala si Zacc sa iyang gi lingkoran (Party Tables/Chairs) So ge nerbyos na dayun ko noh. But I remained calm and composed. 

I looked at every aisle searching for him. And I saw his pair of slippers juscoooo! Nisamot ng kuba2x sakong dughan while calling his name, almost shouting calling his name. 

As I ran towards his slipper I saw nothing but slipper ra gyud then someone say's "nice ayo diri uy sleep ko diri" And I saw him.. Na relieve ko nga nakag katawa nga napungot! Juscooo! 

P@tyon gyud ko sa imung Papa ug mawala ka. Mabuang gyud ko ug akong ka daghang ang rason nga mawala ka. 😭😌

#everyparentsworstnightmare #mommydiaries

Source:  Judah MJ Abonitalla | Facebook


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!